Rans
"Oh? Rans? Anong kailangan natin?" Tanong ni aling quirin.
"Kanin po aling quirin, dalawa po," sabi ko. Kumuha naman si aling quirin ng dalawang kanin na nakalagay sa plastic.
Sabay kaming bumalik ni aly.
"Nga pala aly, sabay ka na sakin kumain, palagay ko gutom ka na." Sabi ko habang naglalakad dala dala ang kanin na binili ko.
"A-ah, ok lang ba?"
'Hindi naman siya big deal para sakin eh,'
"Oo naman, 'kaw pa!" Ngiti ko rito.
Matapos ang ilang minutong paglalakad ay nakarating na ko sa bahay ko.
Siyempre ang una ko munang ginawa ay linisin ang bakuran ko. Or else mag-aamoy patay na daga ang buong bahay.
'Wala pa rin akong tiwala kay aly pagdating sa pagtatago ng sekreto.. Mas mabuting wag na muna... Sa ngayon,'
"Wow... Ang ganda ng bahay mo," paglilibot niya ng tingin.
'Talaga lang? Eh halos lamesa, tv, cabinet at sofa nga lang ang laman ng bahay na 'to eh,'
"Talaga? Thanks," ngiting saad ko.
"Btw... Gusto mo ba ng juice or anything?" Tanong ko sa kanya.
Napatingin ito sa akin saglit bago tumingin sa pinto.
"C-coffee," sabi niya. Pinagtimpla ko siya ng black coffee dahil yun lang ang meron ako. Nilagyan ko ng limang kutsarang asukal dahil baka 'di niya magustuhan ang lasa.
Iniabot ko ito sa kanya.
Inihanda ko na ang mga plato at inilapag sa lamesa.
"Lika na," sabi ko. Lumapit ito at naupo.
Naupo na rin ako at nagsandok ng kanin.
Sabay kaming kumain.
Sa sobrang katahimikan ay naisipan kong mag-isip ng topic ngunit naunahan ako nito.
"Ba't 'di ka nalabas ng bahay?" Tanong niya.
"U-uh... Well... Binabayaran ako ng boss ko kahit na nadito lang ako sa bahay kaya hindi ko na kailangan magtrabaho, sapat na yung binibigay niya para mabuhay ako ng tatlong buwan." Sabi ko.
"Huh!? Kumikita ka ng nakaupo lang? Galing naman," sabi niya. Manghang mangha pa.
Gusto ko sana sabihin na..
'Hah! Dapit kasi may kaibigan ka na namatayan tapos sa' yo ipagkakatiwala yung pagtatago niyo sa bangkay niya,'
"Dapat kasi wag ka basta basta makikipagkaibigan," sabi ko.
'Oops nadulas, sorry abby!'
"Huh?" Wews, buti 'di narinig.
"Sabi ko cute mo," pisil ko sa mga pisngi niya.
"Ummuu!" (Tunog ng pagsasalita ni aly kapag pinipisil yung pisngi niya)
Natapos kaming kumain kaya lumabas na ito. Hinugasan ko ang mga pinagkainan namin at pumunta sa bakuran para lagyan ng spray ang buong bakuran ko. Yung pampabango ng bahay na spray ba. Yung ganon.
Nang matapos ay naupo ako sa sofa at nagmuni-muni.
'Sarap magtrabaho,'
'Kailan kaya ko makakalabas sa bahay na 'to?'
'Sobrang boring dito sa bahay,'
'Hmm.... 'Di ako pwedeng basta basta lumabas para lang gumala dahil may bangkay ako na dapat alalahanin.'