"Mars, okay ka lang?" Tanong ni rans. Lumapit rin sila grace dana, gabb, ecka, belle, Alyssa, joyce at aly.
"Sinong nambugbog sa' yo?" Tanong ni dana at gabb. Palaban panga,
"Dapat i-report natin 'to," sabi ni joyce.
"Pinalagan mo ba?" Tanong ni grace.
"Sira! Paano niya papalagan iyon e tingnan mo nga mukha," turo ni ecka sa mukha ko.
"Kumuha kaya kayo ng first aid kit, wag niyo unahin tsismis," sermon ni alyssa.
Umalis naman si grace.
"Banatan natin," sabi ni gabb.
"Gusto mo lang magpasikat kay coleen eh," pang-aasar ni dana.
"Ako? Bakit? Inggit ka?" Tiningnan niya si dana ng nakakaloko.
"Yuck! Ako maiinggit? May jemimah na kaya ako," proud na sambit niya.
"Sinagot ka na ba," pambabara ni ecka.
"Eh ikaw? Binalikan ka na ba?" Tinamaan naman si ecka doon.
"Mahiya naman kayo, may nakikinig." Sabi ni rans at umubo. Nagtawanan lang kami except ecka at belle na namumula na sa hiya.
Bumalik naman si grace na may dalang first aid kit.
Dahan dahang nilagyan ng band-aid ang mga sugat ko sa mukha.
"Ang pangit mo pag may ganto ka." Sabi ni rans na pinupunasan ako ng alcohol sa mukha.
"Oo nga, shonda," sabi ni grace. Napatingin naman kaming lahat sa kanya.
"Baket?" Kunot noong tanong niya. Nang ma-realize niya ang ginawa niya lumayo ito sa amin at umalis.
"Sino ba kasing gumawa sa' yo niyan?" Tanong ni Alyssa.
"Oo nga, ang lala ng mga pasa mo oh," sabi ni belle.
"Ang lala naman ng tama ko sa' yo." Bulong ni ecka. Narinig pa rin naming lahat iyon.
"Comeback comeback!" Sigawan nila.
"Magsi-tahimik kayo. Kita niyong may ginagamot ako rito?" Sermon ulit ni Alyssa.
Nang matapos na nila akong gamutin agad namang dumating ang subject teacher namin.
"Miss Trinidad, pinapatawag ka sa office." Sabi ni ma'am. Sumunod lang ako sa hanggang makapunta kami sa principal's office.
"Ano pong ginawa ko ma'am?" Tanong ko bago buksan ni ma'am ang pinto.
"Stay calm," huling sinabi niya bago pumasok sa loob. Sumunod na rin ako.
Pagpasok ko nakita ko kaagad si sela na nakaupo sa swivel chair na nasa kanan.
Ang bilis niya naman gumaling?
Umupo kami ni ma'am sa kaliwang banda ng office.
Letter 'U' pero baliktad ang pwesto ng lamesa sa principal's office. Kakabahan ka talaga kapag nakaupo ka sa pinakang-harapan.
"So.. Miss Trinidad?" Sabi ng principal.
"Po, ano po yun?" Kalmadong tanong ko.
"I have a complainant. Sabi nila kailangan mo raw ma-expel," sabi ng principal. Agad naman akong pinagpawisan.
"Ano po bang nagawa ko?" Kalmado ulit na tanong ko.
"I don't know. Maybe, talk to them right now." Agad namang may pumasok sa pinto.