CocoBrei|CoBrei///How can i trust you?/// part 3

117 11 6
                                    

"Ate brei! Ano ba yan!" Sigaw ni coleen.

Ako na hilong hilo ay lalong yumakap sa kanya.

"Ate brei! Ano ka ba! Sinukahan mo na nga ko eh!" Pagtataboy ni coleen sa akin.

Hinawakan ko ang mukha ni coleen at pinunasan ang mukha niya gamit ang mga daliri ko.

"B-brei?" Pagtawag ni coleen sa akin.

"Hm?" Sagot ko.

Iniangat ko si coleen at sinandal siya sa balikat ko. Hinalikan ko ang noo nito dahil alam kong malungkot ito dahil kay ishie.

"B-b-b-brei! Anong ginagawa mo?!" Panic na tanong ni coleen.

"H-huh? W-wala, pinapakalma ka lang." Sabi ko rito.

"Kakaibang pagpapakalma yan!" Sabi niya. Tinakpan ko ang bibig niya gamit ang kamay ko at hinalikan iyon.

Napansin kong namula naman ito.

'Kalma, si ombeng lang 'to,'

Tumayo si coleen at tumagay ng dalawang boteng beer.

"Pst! Aba, coleen. Wag mong sabihing gagaya ka sa mga lasinggerang 'to?" Saway ni belle kay coleen.

"I-i-im f-fine 'te belle." Sabi ni coleen at lumapit sa akin.

Sobrang pula ng mukha niya, ang cute pa!

Sa sobrang lasing ko inisip ko tuloy na siya si lara kaya nilapitan ko ito at niyakap.

Para namang poste sa tigas ang katawan ni coleen ng yakapin ko ito kaya lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko.

"Ang... Cutww... Mo0.." Bulong ko sa kanya.

Naramdaman kong gumalaw si coleen at itinapat ang noo niya sa noo ko.

Nakatingin lang ako sa kung saan ng maramdaman ko ang labi ni coleen na nakadikit na sa akin.

'Crap, lasing na 'to!'

Nang tumingin ako sa kanya ay napansin kong nakapikit ito ng mariin.

Agad naman itong nang-gigil dahilan para mauntog ako sa upuan dahil binagsak niya ako.

"A... Aray,..." Paghimas ko sa ulo ko.

Hinawakan ko ang labi ko at nanlaki ang mata ko ng may tumulong dugo.

"Oooiii...!" Tawag ko kay coleen na nasa isang gilid.

'Ang sakit ng ulo ko..'

'Di ito kumikibo kaya nilapitan ko ito.

"B-brei—– Mm!" Sinunggaban ko kaagad ito ng halik.

"Huuuhhh? B-brei!... Tama na yan... Baka.... Dito kayo mag-chakchakan.." -abby.

"Brei? Anong... Ginagawa mo?" Tanong ni belle. 'Di ko nalamang sila inintindi at lalong hinalikan si coleen.

Sa kalagitnaan ng halik namin ni coleen ay nakaramdam ako ng umiikot sa tiyan ko.

'Nasusuka ako...'

"Burallaaaa..."

~



Ang ganda ng panaginip ko.

'Maka-dilat na nga.'

Bumangon ako at nagligpit ng hinigaan ko. Naka-pajama ako kaya agad akong nagbihis para maligo.

Ng lumabas ako nakita ko sila mama at papa na kumakain ng almusal.

"Magandang umaga brei." Bati ni mama.

MNL48 ONESHOTSWhere stories live. Discover now