SheLice///OTW/// part 3

84 5 0
                                    

"Talaga? Kamusta lang?" Nginitian ko ito ng mapang-asar.

"O-o-oo nga!" Halatang halata na may gusto nga sa akin 'to.

"Gusto mo ko?" Sabi ko habang nakatingin sa kinakain ko.

Awkward silence.

"Hindi." Natulala naman ako sa kinakain ko.

Huh?! Huhtdog?!

"Eh ano?" Nanatili akong kalmado habang tinutuhog ko ang kikiam ko.

"Friends? Siguro." Nakangiti ito ngunit may bahid ng lungkot.

Ba't siya malungkot? Kala ko ba friends?!

"Hm? Ba't malungkot ka?" Pagdidiretso ko ng usapan.

"Naisip ko lang... Sobrang mapagbiro..." Pagpuputol niya ng sasabihin niya.

"Mapagbiro ang alin?" Tanong ko pero umiling lang siya.

Napabaling ang atensyon ko sa kalsada.

Wala ng tao. Kami na lang dalawa.

"Shoot! Yung van!" Agad na akong tumakbo sa van para ihatid sila.

Pagkapasok ko ng van, lahat sila tinitigan ako ng masama.

Basang basa ako ng pawis dahil tumakbo ako.

"Saan ka galing?" May halong inis na tanong ni coleen.

"Sa labas, kumain. Baket? Anong problema mo?" Pagtataray ko sa kanya.

"Baka iba yung kinain mo," nakangiting mala-demonyo ngayon si coleen.

"Gag*" sabi ko at nagtawanan lang sila.

~

"Saan si daryll?" Tanong ko kay Laney. Hindi kasi ito sumabay sa van.

"Kakasabi ko lang ate, kinuha lang ang gamit niya."

Napansin kong ayaw niyang pag-usapan iyon kaya hinayaan ko nalang siyang kumain.

"Baka ikaw na yung na-'gamit'." Mahinang bulong ko kung saan walang sino ang makakarinig.

Kinabukasan gumising ako na nakahanda na ang lahat, kakain nalang.

Nagluto ako ng omelet at nakahinga naman ako ng maluwag nang nagustuhan nila ang niluto ko.

"Ang sarap!" Pambobola nanaman ni Laney.

"Mas masarap ka, babe." Nagulantang naman kami ng biglang pumasok ng apartment si daryll.

"Babe~ na-miss kita!" Pagsalubong ng yakap ni Laney.

"Miss din kita, love you." Pagod itong dumating. Siguro kakagaling lang nito sa trabaho.

"'Di ka papasok?" Agad na tanong ko kay daryll.

"Hindi na muna." Simpleng sagot niya at nahiga sa sofa. Nag-pout naman si laney sa mga sinabi ni daryll.

"Bakit naman hindi, babe?" Pagtatampo niya.

"Alam mo naman na pagod ako babe, sige na. Have a nice day." Sabi ni daryll at pumikit.

Lumabas na sila at ako naman ay nagmadaling maligo.

Pagkalabas ko dumiretso agad sa van, at hinatid sila sa school.

Abby's Pov

"Sarap sa eyes!" Sigaw ni rans ng makita ang pagkain ko. Lunch na namin at nasa pinakang-likod kami ng canteen. Kasama ko sila Alice at Rans ngayon, kumakain lang kami ng biglang sumulpot si sheki.

Nalaman ko yung pangalan niya ng sabihin sa akin ni sela kung anong pangalan niya. Sheki.

Alam ko yung mga tipo ni alice. 'Di iyan basta basta papatol sa babae, hanggat wala daw siyang nararamdaman na 'spark' pero sa nakikita ko sa kanila. Parang may spark na eh, ayaw lang aminin ni alice.

Hinatak ni sheki si alice sa isang gilid na ikinataka ko naman. Ngumiti lang si alice sa bawat sinasabi ni sheki.

"Sakit sa eyes!" Tinakpan niya ang mata niya gamit ang palad niya. 

Drama,

"Maghanap ka na kasi." Simpleng sambit ko.

"Si coleen? Puwede kaya?"

"Bawal, bata pa siya. Tsaka tigilan mo na si coleen. Kita mong ang bata bata pa?"

"Dise-otso na siya next year, kaya 'di na siya bata!" Sabi niya at tumawa.

"Ba't ba obsessed na obsessed ka diyan kay coleen?" Curious na tanong ko.

"Ewan ko ba. Pakiramdam ko nakilala ko na siya noon." Pag-ngiti nito na may bahid ng lungkot.

"Weird." Sabi ko at tumawa siya. Inismaran ko lang siya at kumain. Napansin ko naman si sela kahit nasa malayo ito.

Kumaway ito, ngiti lang ang naisagot ko sa pagkaway niya. Bumulong naman itong si rans.

"Mag-ingat ka, kahawig iyaan ng ex mo. Baka masaktan ka ulit," pagpapa-alala niya.

"Lagi naman akong nag-iingat. Pero hindi sa taong mahal ko." Nilingon ko siya habang nakatalikod ako. Napansin kong ngumiti lang ito.

"Weird." Simpleng sambit ko at pinuntahan si sela.

SheLice///OTW/// part 3

Hope you like it.

MNL48 ONESHOTSWhere stories live. Discover now