SeBy///Really???/// part 1

233 12 0
                                    

"Abby! Dito!" Tawag ng mga kaibigan ko na si rans at alice.

Lumapit ako sa kanila, at nakipag-usap.

Flag ceremony ngayon sa school sigurado ako na may ipapakilala nanaman na bagong students.

Tsaka bakit kailangan ipakilala pa siya sa stage?! Pwede naman sa classroom 'di ba?!

Itong school namin basta may mayaman na estudyante gagawing 'special'

Like wtf? Ano 'to hotel? VIP? Parang estudyanteng mayaman lang.

"Woi, sa tingin mo, bakit kaya sobrang special ng babaeng 'yon?" Tanong ni rans sa akin.

"Aba'y malay ko," titang sagot ko. Tumawa lang ito at itinuon ang atensyon sa harapan.

Si alice walang pakialam.

Ay, wala naman pa lang pakialam iyan sa amin.

"Let us all welcome, the perfect girl. Best in math, best in mapeh, best in science, best in history, best in bla bla bla bla." 'Di ko nalang inintindi ang mga sinasabi ng teacher sa harapan. Kahit lahat naman nasa kanya na.

Halos lahat ng best nasa kanya na. Ang nakakainis nga lang, mayaman siya.

'Di naman sa hate ko ang mga mayayaman. Pero sabi ng iba kapag mga mayayaman daw mga spoiled.

Kaya nakakatakot makipag-usap sa mayaman... Wew

"Let us all welcome, our school president. Marsela Mari Guia." Pumalakpak lahat ng tao. Except me.

Siniko naman ako ni rans at tiningnan ng masama, kaya napapalakpak nalang ako.

Agad na huminto ang palakpakan nang magsalita ito.

"Thanks to all of you everyone. I'll never forget this moment. The moment na pinagkatiwalaan ako ng mga co-classmate ko at mga senior ko na maging school president. And alam niyo, being a school President is a hard work. But, nagkaroon ako ng confidence.. At salamat sa inyong lahat, also, thanks to my teachers dahil isa rin sila sa mga nagbigay ng inspirasyon ko sa bla bla bla bla bla," siniko ko si rans na katabi ko at bumulong.

"Ang haba ng speech, kala mo naman ga-graduate na," napatawa naman ng mahina si rans.

"Gaga, wag ka ngang ganyan. Tandaan mo school president yan, baka gusto mong--" agad naputol ang sasabihin ni rans ng biglang lumakas ang boses ng school president.

"You two, nasa kalagitnaan ako ng speech ko. And kung gusto niyo mag-chatting habang nagsasalita ako, pwede na kayong bumalik sa classroom niyo." Pagsasalita niya. Agad naman kaming namuti na para bang bangkay dahil alam namin ni rans na kami yung tinutukoy niya.

Buti nalang 'di niya kami tinuro. Dahil kapag nangyari 'yon? Katapusan ko na...

Natapos ang flag ceremony ng matiwasay. Napansin ko ang school president na nakatingin sa direksyon namin ni rans. Tinapik tapik ko naman itong si rans at nakahinga ako ng maluwag ng lumingon ito..

"Oh? Teka lang hinahanap ko si alice," paglibot nito ng paningin sa paligid.

"Sa tingin mo sasabay sa' tin 'yon?" Sarkastikong tanong ko sa kanya.

Napa-irap naman ito at naglakad na papunta sa room.

Habang naglalakad lumingon ulit ako sa likod at napa-awang ang labi ko ng makitang naka-tingin pa rin sa direksyon namin ni rans si president.

"Pagka-bilang kong lima, magtago ka," bulong ko kay rans na kumakain.

"Ang baduy mo, 'di na tayo bata, magtago ka mag-isa." Nag-make face naman ito.

"Tingnan mo si president oh, kanina pa nakatingin sa atin" pag-panic ko.

"Baka crush ka," binatukan ko naman siya ng napakalakas dahil sa mga pinagsasabi niya.

"Stupid! Kanina pa nakatingin sa atin ng masama!" Sigaw ngunit pabulong na sabi ko.

"Baka nagseselos sa atin, 'di ba? 'Babe'" tinadyakan ko siya sa tiyan dahilan para mapaatras siya.

"Aray ko ah, nanakit." Pabebe niya.

"Seryoso ako! Magtago tayo!" Pag-alog alog ko sa kanya. Wala lang siyang pakialam at kumagat sa kinakain niyang siopao.

"Ba't ka magtatago? May kasalanan ka ba sa kanya?" Tanong niya. Napa-kagat naman ako sa aking labi.

"Oh, wala 'di ba? Buti kung binuntis mo siya," binatukan ko ulit siya at tumawa.

Nang makarating sa room napansin kong wala pang tao bukod sa aming dalawa ni rans.

"Heh? Walang tao? H-h-hindi k-kaya..." Oa na saad niya.

Nakabukas ang pinto pero nakalock ang kabila. So it means,

"WALANG PASOK!!!" Sabay na sigaw namin ni rans.

"Alam mo na kung saan tayo ngayon, hehe." Bulong ni rans na mala-demonyo..

"Oo," i smirk.

Nagikot ikot muna kami ng campus ng mga 3 beses. Hindi naman gaanong kalaki ang campus. Kasing laki lang naman ito ng sports car race track, parang ganoon.

Nang makarating sa gate, tumingin muna kami ni rans sa isa't isa.

"Handa ka na?" Tanong niya.

*insert intense music background*

"Oo!" Sabay na sabi namin at lumabas.

Dumiretso kami sa 7 eleven at bumili ng slurpee.

"Ang sarap, ang lamig! Sana nandito din si alice." Sabi niya.

"Valuable first naman 'yon si alice, wala tayong magagawa." Simpleng sabi ko.

"Pero mayroon pa rin!" Sabi niya.

"Huh? Eh ano?" Tanong ko.

"Hala gurl, 'di mo alam?" May nasa isip 'to na 'di ko mabasa.

"Ano?" Inosenteng tanong ko.

"Gurl! Si alice, matagal nang..."

Uh...

"Oo nga pala.... Matagal na," malungkot na ngiti ko.

"Nung nawala siya, pati kaibigan natin nawala na din. Sa palagay mo? Kailan kaya ulit sila babalik?" Tanong ni rans sa akin.

Si alice....

"Kapag wala na ko, tsaka lang siguro." Pagsagot ko. Nawala naman ang mga ngiti nito sa mukha at nagsimulang magsalita.

"Oh? Pag nawala ka?" Sabi nito sa malalim na boses.

Bigla ulit nagliwanag ang mukha niya at nagsalita.

"Joke lang! Friend mo pa rin ako, kahit na anong mangyari!" Maligalig na sabi niya. May idinugtong pa itong salita sa huli pero hindi ko na narinig.

SeBy///Really???/// part 1

MNL48 ONESHOTSWhere stories live. Discover now