SheLice///OTW/// continuation

114 6 0
                                    

Alice's Pov

Uwian na at nagligpit na kami. Tumulong na din ako sa mga cleaners.

Agad naman akong tinawag ni abby.

"Jowa mo, andito." Agad naman akong nagtaka. Nang humarap ako nagulat ako ng makitang nandito si...

Sino nga ulit siya?

Naglakad naman ako papunta sa kanya at tinaasan ng kilay.

"Ba't andito ka?" Takang tanong ko.

"Gusto ko lang tulungan ka" ngiting saad niya. May kung ano namang tumunog o nag-beat na ewan sa puso ko na hindi ko maintindihan.

"'Di na kailangan." Napansin ko namang parehas lang kaming 4th year. Wait, ba't ko naman papansinin yung mga ganoong bagay?!

"Kahit ano?" Pagpupumilit niya.

"Sige, bitbitin mo yung mga gamit ko." Sabi ko at bumalik na sa paglilinis.

Nang matapos ako sa ginagawa ko agad niyang binuhat ang bag ko ng nakangiti. Ang creepy niya. Sa totoo lang.

Naglalakad lang ako at kami nalang dalawa ang naiwan sa room. Wala na halos masyadong tao sa school.

Nailang naman ako dahil pinagtitinginan kami ng mga tao. Kaya bago pa ko mapahiya, kinuha ko na agad ang bag ko.

"Oy! Ba't mo kinuha!" Sigaw niya. Tinakbuhan ko kasi siya.

Nang mahabol niya ko agad siyang nagsalita.

"Ayaw mong bitbitin ko yung bag mo?" Hingal na tanong niya.

"Oo, umuwi ka na." Sabi ko at tumakbo paalis. Narinig ko ulit siyang nagsalita pero 'di ko ulit ito narinig, kaya nag-thumbs up nalang ako.

Napansin ko namang ako nalang pala ang hinihintay sa kotse.

MNL48 ONESHOTSWhere stories live. Discover now