R-18 wag basahin ng gabi, sobrang nakakatakot.
"Aalis kami ni dana mamaya, sama ka ba?"
Nakakahalata na ko dito kay gabbo ah, gusto na yata 'to ni coleen eh.
Kahapon lang sila nagkakilala pero todo pasikat na kaagad 'tong si gabb!
Ito namang si coleen, pabebe. Halos sinasadya na niyang matapilok siya sa tuwing dadaan si gabb!
You little brat! Gabbo! Tigilan mo si coleen!
"Ho ho, ang sama ng tingin ni abby ho ho," tiningnan ko naman ng masama si rans.
"If your worried for her, then just talk to her, or maybe warn her. Kilala mo si gabb." Sa tono ng pananalita ni rans kinabahan ako.
"Baka bukas bumalik si coleen na may dalang pregnancy test. Tapos sasabihin niya pa sa' yo 'uhm.. Im pregnant'" panggagaya niya sa boses ni coleen.
"Paano makakabuntis si gabb, eh babae din naman iyan? Nagiisip ka ba?" Iritang tanong ko sa kanya.
"We all have hands you know? You know the power of the hand you know? Specially the fingers," maniac na sabi nito.
"E-e-ew, wag ka nga ganyan magsalita!" Pagtataboy ko sa kanya.
"All of the girls here are virgin... Sana alam mo," bulong niya.
"P-p-paano mo n-nalaman?" Kabadong tanong ko.
"Look at their faces," huling sinabi niya at umalis.
Bigla namang tumunog ang bell kaya sabay sabay kaming tumayo para pumunta ng canteen.
Isang araw ko lang hinayaan mag-isa si coleen, pero pakiramdam ko sa tagal nila magkasama ni gabb.. Palagay ko isang buwan na.
Nag-aalala rin ako sa kapatid ko noh! Kahit na ngayon lang kami nagkakilala, o kahit na pinsan ko lang siya... Tinuring ko na siyang kapatid... Kaya dapat lang na...
"Sela pinapatawag ka sa office," lumingon ako sa bumulong sa akin at napansin kong isa ito sa mga miyembro ng student council.
"Sino?" 'Di ako sinagot nito at nagsimula ng maglakad paalis. Sinundan ko lang ito hanggang sa makarating kami sa isang lugar na madilim..
"Hindi diyan, dito." Pagturo niya sa daan.
Nakarating kami sa maliit na kuwarto. May sign din sa taas na 'president' kaya napatango ako.
"Wait.. Hindi niyo naman ako papatayin 'di ba?" Tanong ko sa kasama ko.
"Just enter the room.. Miss," papasok na sana ako ng may biglang pumasok sa isip ko.
"Pangalan mo?" Tanong ko kaagad.
"Amy," simpleng saad niya.
Pumasok na ko sa loob. Naabutan kong nagsusulat ng kung ano ano si sela.. Sinilip ko ang sinusulat niya, pero wala akong naintindihan ni kahit isa.
"Tell me, ano yan?" Turo ko sa mga papel na nakalapag lang sa table niya.
"Boring things, like you." Tinamaan naman ako ng sobra sobra doon.
"Aray ko puta," napamura ako sa sakit niya magsalita. Tumawa lang ito.
"Lapit ka nga," sabi nito, sinunod ko naman ito at lumapit ako sa lamesa.