Abby
"Guys! Makinig muna kayo!" Pagsigaw ni kay.
Tumahimik naman ang mga kaklase ko at nagsi-aktong mga anghel.
"Okay, sabi ni ma'am, mayroon daw tayong magiging kaklase-"
"Babae ba 'yan president?" Pagpuputol ng mga kaklase ko sa likuran.
"Tang- manahimik muna kayo! Patapusin niyo ko!" Nagsi-aktong mga anghel ulit sila.
"May isang ipapalit sakanya. Yung mga balak na lumipat ng classroom ita-"
"Ako! Ako! Ako! Ako!" Pagbabanggaan nila sa likuran.
"Isa nga lang 'di ba? 'Di ba kayo nakaka-intindi?"
"Ito! Ito! Si gabb!" Turo nila sa walang kamalay-malay na si gabb.
"Mga gago ba kayo? Ba't nadamay ako? Nanahimik ako rito!"
"Okay, gabbrielle. Dalhin muna yung bag mo at lumabas kana. Iga-guide nalang kita papunta sa room na lilipatan mo"
Halata naman sa mukha ni gabb ang inis dahil nakayukom na ang mga kamao nito at anumang oras ay handa itong manuntok.
"'Di ako sasama." Agad na sagot nito at bumalik sa pagkaka-upo. Lumapit naman sa kanya si president at hinila siya palabas. Minura niya pa lahat ng pumilit sa kanya.
Mga ilang minuto ang lumipas at bumalik si kay at pumunta sa harapan upang magsalita ulit. Tawa naman ng tawa yung mga lalake sa likuran dahil sa nangyari kay gabb.
"Ang ipapalit kay gabb ay si miss Marsela Guia." Halos malaglag naman ako sa kinauupuan ko ng marinig ang pangalan niya. Sheki, Rans and alice smirk habang ako, chill na chill at umaktong parang wala lang sa' kin ang pangalan ni sela.
Mabilis na umupo si kay sa kanyang puwesto at nagsi-upuan naman lahat ng mga kaklase ko ng dumating ang adviser namin.
Umupo ang adviser namin at isa isa kaming pinagmasdan.
"Okay class, today we have a new student. Or maybe, a stupi-dent." Sarkastikong sambit ni ma'am.
"Come in"
Halos malaglag ulit ako sa kinauupuan ko ng makita ulit si sela. Ang laki ng pinagbago niya! Halos 'di ko na siya makilala!
Pumuti na siya 'di tulad ng dati na medyo kulay bawang pa lang siya. Ang singkit niyang mga mata! At yung red and bouncy cheeks niya!
Nagpawis naman ang mga kamay ko ng maalala yung mga panahong iniwan niya ko.
Naka-lugay naman ang buhok niya dahilan upang makita ko ng buo ang mukha niya.
Damn, i miss her so bad
"Oh tingin tingin mo diyan?" Bulong ni Sheki sa'kin.
"Gusto mo? Lah, asa ka" dagdag pa ni Rans. Napaka gago nila katabi sa totoo lang..
SeBy///'<3'///