Waiting for connection...
Connecting...
Connected.
Brei
"Wala namang nangyayare eh," sabi ni jaydee.
"Huh? 'Di nga?" Gulat na tanong ko.
Sinusundan lang namin si ma'am.
Kanina pa kami nakasunod, pakiramdam ko wala rin namang mangyayare.
"Siya ba talaga?" Tanong ko. Tumingin naman ito sa akin ng masama.
"Sabi mo si ma'am? Anong 'siya ba talaga'?" Paguulit niya sa sinabi ko.
"Wala kasing nangyayari eh, baka hindi si ma'am?" Iritang tanong ko.
"Buwisit ka rin eh! Sinayang mo lang oras natin," sabi niya at iniwan ako.
'Tsk! Ikaw pa may ganang magalit eh samantalang g na g ka na mag-imbistiga.'
Hindi na rin ako nag-aksaya ng oras at umuwi nalang.
~
Kinabukasan ay agad akong napasugod sa kuwarto ni coleen.
"Coleeeeeeennnnn!" Sigaw ko.
Sumimangot naman ang mukha nito na ikinataka ko.
"Ba't galit ang baby ko? May nangyari ba?" Tanong ko.
"Nothing, your so loud kasi," sabi niya at inirapan ako.
'Parang kahapon lang nauutal utal pa 'to ah? Anyare?!'
Hinawakan ko ang noo nito gamit ang likod ng kamay ko para alamin kung may lagnat ba ito. Nanlaki ang mga mata ko ng malamang wala.
"Na-miss ko yung may sakit na coleen," sabi ko at hinintay siya sa labas.
Nang makalabas ito ay agad ko itong hinawakan sa kamay at agarang hinila papasok ng school.
Nang makarating sa school ay nilingon ko ito at nagmukha ng bruha dahil sa sobrang haggard nito.
"Brei! What are you.... Doing?! Im exhausted!" Hingal na saad niya.
"Wag ka mag-aalala," sabi ko at binuhat siya ng parang bagong kasal.
'Eeeeeeeeeyyyyyyyiiiiiieeee,'
"B-brei! Are you drunk?! Put me down!" Paglilikot niya.
"Ako? Maglalasing? Eh hindi ko nga alam yung salitang beer," walang sense ang sinabi ko pero hayaan niyo nalang.
"Tsk! Whatever, just put me down," sabi niya kaya binaba ko ito para naman hindi na ito maging uod sa kakagiling giling.
"Happy ka na? Kiss na kita," sabi ko. Hahalikan ko na sana siya ng itulak niya ang mukha ko.
"Ayaw mo ba? Nahihiya ka? Ayos lang, first time ko rin eh," sabi ko.
"Stupid!" Sigaw niya.
Bigla naman akong may naalala na dapat kong itanong sa kanya.
"Nga pala coleen, nasa iyo ba yung school records?" Napa-seryoso naman yung tono ko na dapat ay hindi naman.
Napatigil ito bago magsimulang magsalita.
"W-wala," sinubukan niyang hinaan ang boses niya pero narinig ko pa rin.
"Ok, sa' yo na 'yan kung gusto mo, pero... Sabihin mo sa akin yung nakita mo," seryosong saad ko.