RaLy(Rans and Aly)///Really??? You love me too?/// part 1

121 7 6
                                    

Here you go user80276352

.




Waiting for connection...








Connecting...









Connected.









~

Rans

"Hays, ang init talaga dito sa loob ng bahay," pasigaw na saad ko at lumabas ng bahay para maglakad lakad.

"Ang hirap pa kasi... Pag nalaman nilang may bangkay sa bakuran ko baka ipaaresto nila ko." Sabi ko nalang sa sarili ko.

Nakatira malapit sa ilog kaya maraming lupa rito. Madami rin akong kapitbahay kaya medyo nag-iingat ako kapag may pinapapasok sa loob ng bahay ko.

"Buwisit kasing responsibilidad 'to, ang hirap!!!" Sigaw ko habang naglalakad.

Isang malaki at maluwag na daan lang ang dinadaanan ko papuntang bayan. Sementado rin ito kaya minsan ay madaming dumadaan na sasakyan.

'Actually... Tricycle and jeep lang naman,'

Madaming puno sa paligid kaya kung iisipin ay para kang nasa bundok.

'Pero hinde, sadyang matataas lang talaga yung mga puno.'

Habang naglalakad ay napunta na ako sa parteng konti lang ang puno at ang makikita mo lamang ay isang sobrang lawak na palayan.

"Tch! Dapat nasa apartment ako kung hindi lang dahil kay abby!" Pagbubunganga ko kay abby.

Sa tatlong minutong paglalakad ay nakarating na ako sa bayan kung saan madaming tao at sasakyan.

Pumunta lang ako sa bayan para kuhain ang bisikleta ko na naiwan sa isa sa mga parlor na pinapasukan ko pansamantala.

"Excuse me po, kuhain ko lang po yung bike ko," sabi ko sa may-ari ng parlor.

"Sige lang iha, balik ka sa susunod," sabi ni aling angela.

"Salamat po," sabi ko at sumakay ng bisikleta at nag-pedal.

'Pabalik,'

'Wag niyo na ko tatanungin kung anong nangyari kahapon.'

...

'Nag-away kasi yung may-ari ng parlor at yung asawa niya eh ako na aalis na sana eh nahuli pa nung asawa niya tapos sa akin binuhos lahat ng galit niya.'

'Unfair,'

'Pinauwi ba naman akong naglalakad?!'

"Pa 'iha-iha' pa siyang nalalaman," sabi ko habang nagpepedal.

Nang makabalik sa bahay ay agad akong kumuha ng posporo at nagsindi ng kandila malapit sa bakuran ko. O... Sa labas ng pintuan ko. Basta malapit sa pintuan ko.

'Araw araw kong ginagawa para lang umalis yung masasamang espiritu.'

"Rans? Raaanns!" Ayan na yung espiritu.

"Sandali!" Sabi ko at pinagbuksan ng pinto si abby.

"May nakakita ba sa' yo?" Tanong niya patingin tingin pa sa paligid na akala mo ay may spy na nagmamanman sa akin.

"Wala, ano bang pinunta mo?" Tanong ko.

"Tch! Alam mo naman kung sino eh," sarkastikong saad niya.

MNL48 ONESHOTSWhere stories live. Discover now