Random Shot///Virtual Girls/// (CoLaney)

198 6 0
                                    


"Meron nanamang bago?" Tanong ko kay Alicia.

"Opo doc, papasukin ko po ba?" Tanong niya.

"Sige lang," sabi ko at lumabas ito para papasukin ang pasyente.

Ilang sandali lang ay pumasok na ang pasyente. Kitang kita sa mukha nito ang kalungkutan pinagdaanan niya kaya napa-ayos ako ng upo at naghandang makinig sa kanya. Umupo siya sa upuang malapit sa akin. Tahimik lang ito at hindi nagsasalita kaya kinausap ko na ito.

"Let's get to the point, nandito ka dahil gusto mo ng partner, tama?" Tanong ko sa kanya. Tumango ito ng isang beses.

"Pangalan?" Tanong ko sa kanya.

"Cole," sabi niya at tumingin sa kisame.

"Hm.. Cole, ang ganda ng pangalan mo," compliment ko.

"Talaga ba? Salamat," walang ganang sambit niya. Napansin kong wala itong ganang makipag-usap dahil sa sobrang baba ng boses nito.

"Ikwento mo naman kung paano ka napadpad sa pagamutang 'to," tanong ko.

"Huh? Ah, yun ba? Sabi ng kaibigan ko pag pumunta daw ako dito, sasaya ako." Simpleng sabi niya at tumingin sa pader na nasa harap niya.

"Well, susubukan ng mga virtual girls ko na pagandahin ang ibalik sa normal ang buhay, at pagkatao mo." Paliwanag ko sa kanya.

"Magkano ba? Gusto ko ng umuwi," sabi niya at tiningnan ako ng mata sa mata.

"Alam mo miss, hindi mo kailangang magbayad, bibigyan ka namin ng 1 month free trial, pagkatapos nun, kailangan mo lang magbigay ng feedback tungkol sa experience mo sa virtual girls namin." Paliwanag ko. Tumingin ito sa akin ng diretso bago tumingin sa kisame. Bumuntong hininga pa ito.

"Tch! Whatever, just give it to me, wala kong pake," walang galang na sambit niya.

"Miss, pirmahan mo lang ito, oh, oo nga pala, paalala ko lang na pagkatapos ng isang buwang trial, hindi mo na pwedeng magamit ang mga virtual girls namin, kahit na magbayad ka pa o--" pinutol niya ang sasabihin ko at pinirmahan ang mga papeles.

"Just give it to me," sabi niya at tiningnan ako ng masama.

"Okay, okay, here, choose your ideal girl," sabi ko at nagbigay ng mga card na may picture ng mga virtual girls.

Napatitig pa ito isa isa sa mga picture bago tuluyang nakapili.

"This one is good, now give it to me so i can go home," pagmamadali niya.

Kumuha ako ng pills at ibinigay sa kanya. Binigyan ko rin siya ng contact lens.

"Hindi ko gustoang ugali mo pero.. Pills tuwing umaga, isuot mo palagi ang contact lens mo," walang ganang paliwanag ko. Umalis ito ng pagamutan ko.

'Wag kang magsisi.'


Cole

Nakalabas na ko ng abandonadong pagamutan na yon. Sobrang gulong gulo ng isip ko. Isa pa, pumunta ako dito dahil nga sa sinabi nila gabb na may kung anong kakaiba sa building, nang makapasok ako sa building ay hindi man lang ako nakaramdam ng kaba, sa halip ay pagtataka. Nilibot ko ang building hanggang sa may nakabanggaan akong babae. Tinanong ako ng babae kung nandito ba ko para magpagamot, napasabi nalang ako ng oo kahit hindi naman.

At ito ako ngayon pabalik sa bahay ng pinsan ko.

Dumiretso ako sa kuwarto ko at isinarado ang pinto. Tinawag pa ko ng tita ko para kumain, sinabihan ko lang sila na mamaya na dahil may mahalaga akong kailangang gawin. Inilabas ko ang contact lens sa bulsa ko at inilagay sa mata ko. Sobrang labo ng nakikita ko, bigla namang may lumabas na kung ano sa bandang gilid ng mata ko. Nang basahin ko ito ay ang una kong nabasa ay 'stats' may kung ano pang nakalagay sa gilid tulad ng 'affection' 'sweetness' at 'charisma'

MNL48 ONESHOTSWhere stories live. Discover now