CocoBrei|CoBrei///How can i even trust you?/// part 10

119 9 4
                                    

Brei

"GIRLFRIEND!" Sigaw niyang saad.

'Mali 'to,'

'May mali sa sitwasyon kong 'to,'

"Huh~? Girlfriend?" Takang tanong ko sa kanya.

"K-kung okay lang," sabi niya at umiwas ng tingin.

'Yeah its fine... Pero linya ko 'yan!'

"Sure," sabi ko at nilapitan siya para halikan ulit.

Tumagal nanaman ang halikan namin ng tatlong minuto, kaya pagkabitaw ko sa labi niya ay para na itong aso kung huminga.

'You okay?'

"G-grabe~... 'Di ko.... Inakala... Na... Wild ka..." Hingal niyang saad.

"You want more? Tara," aya ko sa kanya.

"Saan?" Takang tanong niya.

"At my house, lets kiss forever,"

'Ackkkk!!!! Kinikilig ako sa banat ko!!'

Namula naman si coleen dahil sa sinabi ko.

"O-okay!" Sabi niya at sumabay sa akin.

Naglalakad kami papuntang bahay.

Madilim pa sa daan.

Walang tao sa kalsada. Kaming dalawa lang.

Nakatingin lang ako sa daan, hindi ko makita sa gilid ko si coleen dahil inunahan ko siya maglakad.

'Sa totoo lang, sobrang daming nangyari,'

'Kahit na ang ginawa ko lang is uminom at makipag-jowa sa iba't ibang mga nirereto sa akin ni jaydee.'

'Or baka may sumpa siya?'

'Baka lahat ng nirereto ni jaydee... Namamatay?'

'Pero hindi eh, parang totoo eh,'

'Lalo na nung nangyari sa akin sa date namin ni daryll.'

'Hinawakan ko pa nga yung mata ko... Egh!'

'Kay faith din, sobrang makatotohanan.'

'Sobrang totoo niya, as in!'

Nanginig naman ang buong katawan ko, hindi dahil sa lamig kundi sa takot.

'Nah, wag ko nalang alalahanin,'

Nagsimula naman akong magtaka nang mapansing walang umiimik sa likod ko.

Nang lumingon ako sa likod ay agad na nanlaki ang mga mata ko nang mapansin na wala si coleen.

"Seryoso ba 'to?! Coleen! Coleen!" Tawag ko sa pangalan niya. Hinanap siya ng mata ko. Inikot ko ang paningin ko sa paligid pero walang coleen na lumalabas.

Puno ng mga bahay sa dinadaanan ko at imposibleng mawala kaagad ito.

Bumalik ako kung saan kami naglakad at sa dalawang minutong pababalik balik sa lugar na dinaanan namin ay wala ako g makitang coleen.

"Coleen! Coleen~" tawag ko pero walang sumasagot.

Agad kong kinuha sa bulsa ko ang phone ko para tawagan siya ngunit bigla kong naalala na hindi ko pala alam ang number nito kaya nagsimulang magpawis ang mga kamay ko sa takot at sa pag-aalala na baka nangyari nanaman sa kanya ang nangyari kila daryll at faith.

Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad nang bigla akong may mapansin anino ng babae sa harapan ng daan. Bigla itong lumiko sa kanang daan kaya napabilis ang lakad ko. Nagbabakasakaling si coleen ito.

MNL48 ONESHOTSWhere stories live. Discover now