Abby
"Mars! Ang tagal mong 'di pumasok ah?" Tanong ko kay sheki.
"Oo nga eh, nagkasakit lang" paliwanag niya.
Sabay sabay kaming tatlo na pumasok sa canteen, at tsaka umupo sa isang table.
Bumili ng makakain sila rans at alice kaya naiwan ako rito kasama si sheki.
"Ba't nawala ka ng ilang linggo?" Tanong ko kaagad. Natulala naman siya sa sinabi ko. May mali ba sa sinabi ko?
Nawala ang lahat ng emosyon sa mukha niya at tsaka nagsalita
"Sela"
~
"Marsela Guia," tawag ni ma'am.
"Wala nanaman? Sa susunod na aabsent pa siya, ida-drop out ko na siya." Galit na saad ni ma'am.
Droup out agad? Grabe naman!
Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko at chi-nat si Sela.
Abelaine
Galit na galit na si ma'am sayo! Ba't ba 'di kana pumapasok? May sakit ka ba?
Tumingin muna ako sa harapan bago tumingin ulit sa screen ng phone ko. Baka kasi mahuli
Sela
Huh? Wala, may gagawin lang ako na kailangan tapusin, ya know?
Nagtaka naman ako doon.
Abelaine
Gagawin?
Sela
Oo, mahalaga.
Agad ko namang ikinataka 'yon.
"Miss trinidad," pang-gugulat ni ma'am.
"Y-yes m-ma'am?" Pagpa-panic ko.
"Get out of my room" imbis na mag tagal pa ko sa loob at mapagalitan lumabas nalang ako.
Nag-chat ako ulit kay sela upang maliwanagan sa mga nangyayari ngunit 'di ito nagre-reply.
"My god, marsela. Kung kailan nahulog na ulit ako sayo"
~
"Mars, okay ka lang?" Tanong ni sheki saakin.
"Hindi, si sela kasi mars eh" sagot ko sa kanya.
"Oh? Anong meron kay sela? Gusto mo na siya?" Takang tanong niya.
"Mars, masama ba talagang makipag balikan sa kanya?" Pagtatanong ko rito.
"Huh? Paano naging masama 'yon?"
"Kase 'di ba, kapag pinutol nila yung relasyon nila sa isang tao, it means 'di ka na nila mahal. 'Di ba? Tama ako?" Tumulo kaagad ang mga luha ko kasabay ng pagpatak ng ulan.
Bumuntong hininga muna siya bago magsalita.
"Mars, 'di porket iniwan ka. Iisipin mo na kaagad na 'di kana mahalaga"
Humarap naman ako sa kanya at kinunotan siya ng noo.
"Pero bakit niya ko iiwan kung babalik pa din pala siya? Bakit kailangan niya kong iwan?" Pag iyak ko sa dibdib niya. Tinapik tapik naman niya ko at hinimas ang buhok ko.
"Tulad nga ng sabi ng iba, 'yung mga bagay na tulad ng pag-iwan, pag-aaway ay normal lang sa mga relationship. At 'yung sa inyo, normal lang."
"Pero 'di ko pa rin maintindihan mars, kailangan ba talaga mangyari 'yun?! Kasi kung oo? Sobrang sakit! 'Di ko kaya!"
"Mahal ka ni sela, alam mo ba 'yon?" Pagtapik niya ulit sa likod ko.
Ako?! Mahal ni sela?! Ba't pakiramdam ko sasaktan niya lang ako?
"Kung talagang mahal niya ko. Sana pinaramdam niya."
SeBy///'<3'///