Love is an expected phenomenon
yet it happens unexpectedly.~~~
"Chupi chupi chupi! Alam kong masarap ako pero 'wag niyo akong kagatin. Mahal magka- dengue!" Singhal niya sa mga lamok na nilalantakan ang mga binti niya habang naglalakad siya pauwi.
Isa talagang disadvantage ang pagsusuot ng skirt sa kan'ya dahil hindi lang siya minamanyak ng mga ulupong na lalaki, minomolestiya din siya ng mga lamok tuwing uuwi siya sa tinitirhan gabi- gabi. Hayop na mga lamok, kulang na lang madevirginize siya sa gabi- gabing pagtikim ng mga ito sa kan'ya. Pati sa pagtulog katabi pa niya!
"Tangina, kung 'di lang ako nagtitipid baygon kayo sa'kin." Gigil na sambit niya at mas binilisan ang paglalakad. Medyo late na siyang naka- out sa opisina dahil natambakan na naman siya ng napakaraming trabaho kaya halos hatinggabi na siya ngayon makakauwi.
Wala naman iyong problema dahil wala namang maghahanap sa kan'ya. Sa sweldo niya pa, marami.
"Gago ka ang yabang mo ah!"
Bigla siyang natigilan nang mamataan ang grupo ng mga lalaki sa kabilang linya ng kalsada may 'di kalayuan sa kan'ya. Wala ng ibang tao sa kalsada kaya rinig na rinig niya ang mga mura at bugbugang nagaganap sa lugar.
Imbis na matakot ay gumana na naman ang katangahan niya at mas nanaig ang pagiging tsismosa. Nanliit ang mga mata niya para mas makita ang ginagawa ng mga ito.
Umawang ang bibig niya. May binubugbog ang mga ito na isang lalaki na nakalumpasay na sa semento. Ngunit hindi ang bugbugang nangyayari ang mas kinagulat niya, napaawang siya nang masalubong ang mga malalamig na mata ng lalaking walang awang tinatadyakan ng grupo. Walang bahid ng sakit o pagdaing sa duguang mukha nito. He was just looking straight at her. Cold but fierce. And she doesn't know why she felt something throbbed within her the moment she met his eyes. Sa kabila ng malamig na mga tingin nito ay tila nagbabaga ang mga iyon na siyang naghahatid ng kakaibang pakiramdam sa kan'ya.
Mariin siyang umiling at itinuon ang pansin sa nangyayari.
Tangina, anong dapat niyang gawin!? Tumakbo? Kapag tumakbo siya hindi siya makakauwi dahil iyon lang ang alam niyang daan papunta sa tinitirhan niya. Sumigaw? Ano namang isisigaw niya? Darna!? Eh kung tumawag siya ng pulis? Gising pa kaya ang mga pulis? Buhay pa kaya ang lalaki o siya kapag dumating ang mga awtoridad?
Hindi niya alam ang gagawin! Shuta this!
"Tarantado ka, tignan ko lang kung makapagmayabang ka pa kapag natigok kana!" Sigaw ng isang matabang lalaki dito at dinuraan pa ito habang walang awang tinatadyakan ang nakalumpasay na lalaki.
Tangina ulit, hindi niya gustong maging witness sa isang murder. Hindi kakayanin ng konsensya niyang maging witness na walang ginawa para matulungan ang victim. At baka maabala pa ang trabaho niya dahil kailangan niya umattend sa korte.
"Pisting yawa, bahala na." Wika niya sa sarili at hindi nag- iisip na lumapit sa mga lalaki.
"Hoy, magsitigil kayo kung ayaw niyong mapunta sa impyerno!" Basta na lang na naisigaw niya. Agad na natigilan ang mga lalaki at napabaling sa kan'ya. Lihim siyang napalunok. Napakagaga niya talaga. Ayaw niyang maging witness in crime pero heto siya at gagawin pa yata ang sarili na victim.
"At sino ka namang pakelamera ka?" Tanong ng mataba na mukhang lider pa ng mga lalaki. Pinasadahan siya nito ng tingin at parang manyakol siyang tinignan.
"Ako ang messenger ni Satanas. Pinapasabi niya na magpakabait na daw kayo dahil kung hindi kayo titigil, bukas na bukas daw ay susunduin niya na kayo!" Buong tapang na sambit niya. Pinagtawanan naman siya ng mga gago.

BINABASA MO ANG
Chase Me
Ficción GeneralAll things happened so unexpectedly. She met him, got to know him and slept with him. She thought she finally found the man she would lend her heart and spread her legs. But a twist was bound to happen. She discovered everything she saw and felt wa...