Chapter 19

12.6K 401 97
                                    

"Good Morning, Sir."

"Good Morning, Sir Azrael!"

"Welcome sa company, Sir!"

Kanina pa siya nakasimangot dahil sa kaliwa't kanang pagbati ng mga empleyado sa kompanya kay Nicolo. Mula ground floor, sa elevator, hallway at sa kanilang floor ay inulan ito ng pagbati, karamihan ay galing sa mga babae. Ang iba ay nag effort pang lumabas sa mga department para salubungin ito at batiin. Abot tainga pa ang mga ngiti.

Mga Hailey Parrot! Hindi naman sila ganito makangiti at makabati dati kay Mr. Salazar. Iba ang kislap ng mga mata nito kay Nicolo. May halong sahog ng kalandian.

"Hi, Sir! Kumain na po ba kayo?" Biglang sumulpot sa kung saan ang katrabaho niyang si Kyla, na isa sa mga certified straw sa opisina. Wala sa sariling pinasadahan niya ito ng tingin at parang biglang nahiya ang turtle neck dress niya na hanggang tuhod (na siyang hinanda ni Nicolo para sa kan'ya) sa napakaikli nitong damit.

Inabangan niya ang pagtugon ni Nicolo ngunit nagtuloy tuloy lang ito sa paglalakad at tila nagmamadali. Parang wala itong naririnig sa paligid dahil nagdire- diretso lang ito at kanina pa masama ang timpla ng mukha. Hindi man lang nito sinulyapan ang su'so ng babae na halos lumabas na sa maikling damit nito. Pigil ang ngisi niya na tumingin kay Kyla na mukhang napahiya sa pang- iignora ng lalaki.

Nang makita ng babae na nakatingin siya rito ay sinamaan siya nito ng tingin at pairap na bumalik sa sariling office table. Inikutan din niya ito ng mga mata bago muling sumunod kay Nicolo. Atichoda.

Natuon ang pansin niya sa mga katrabaho niya na nagkukumpulan habang panay ang silip sa kanila sa labas ng glass wall. Kung makatingin ang mga ito ay akala mo kung sinong artista ang nandito sa loob. Parang mga taong kweba na ngayon lang nakakita ng gwapo. Napailing na lang siya sa mga ito at dumiretso ng tingin sa kan'yang harapan, ngunit muntik na siyang mabangga sa likod ni Nicolo nang bigla itong tumigil sa paglalakad.

"Wesley, how was it?" Rinig niyang sambit ni Nicolo. Bahagya siyang umusog sa gilid ng lalaki para makita ang kausap nito. Halos lumuwa naman ang mga mata niya nang masilayan ang tinawag nitong Wesley.

"All settled. Her table is already placed inside, exactly as what you've said." Sagot nito, seryoso ang mukha pati na rin ang mga singkit na mata. Naka black formal suit at sobrang nakakaintimidate ang awra lalo na dahil walang kaemo- emosyon ang mukha. Matangkad din bagama't mas matangkad si Nicolo ng kaunti. Ngunit ang higit na nakakuha sa atensyon niya ay ang itsura nitong mala- korean action star.

Kaya naman pala nagkakagulo sa floor nila. May isa pang gwapong salta ang napadpad dito sa kompanya.

"Very well." Wika ni Nicolo at lumingon sa direksyon niya. "Let's get inside."

Mabilis na itinuon niya ang mga mata kay Nicolo nang maramdamang ang mariing pagtitig nito sa kan'ya. Bigla ay naging seryoso ang mukha nito at nawalan ng emosyon.

"I said, let's get inside."

"H-Huh? Pero nandito ang table ko." Tukoy niya sa kan'yang table na nasa labas ng office nito. Napakunot ang noo niya nang makitang ibang table na ang nakapwesto roon. Nawala din ang mga gamit niya.

"You're new table is placed inside his office." Ang lalaking nangngangalang Wesley ang sumagot sa kan'ya kaya nabaling ang tingin niya rito. "I'll be replacing you here."

Mas napakunot ng noo niya dahil sa pagtataka. Ano na naman bang balita ang nakaligtaan niya at hindi niya na naman maintindihan ang mga pangyayari? Ngayon lang nangyari na nahuli siya sa tsismis.

"You are not allowed to speak unless I said so, Park." Tinignan ni Nicolo ng mariin ang kaharap na lalaki.

"Okay. May iuutos ka pa ba?" Walang pakialam na tugon ni Wesley. Medyo nagulat siya dahil fluent pala itong magsalita ng tagalog. Koreanong koreano kasi ang itsura nito at porselana pa ang balat. Halatang babad sa snow.

Chase MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon