Chapter 21

14.4K 383 53
                                    

Warning: SPG







Napaungol siya sa sarap. Malambot ang kutson ng kamang hinihigaan niya kaya komportable siyang nakahilata roon at mapayapang natutulog. Bahagya pang lumulubog ang likod niya sa napakakapal na mattress. 'Di tulad ng higaan niya sa kan'yang kwarto na sa tuwing paggising niya ay nanakit ang likod niya dahil sa napakakuripot na kutson.

Ngunit napakunot ang noo niya nang may mapansin. Bakit parang nilalamigan ang keps niya?

Kinapa niya ang pagkababae niya at napamulat siya dahil bukod sa nakataas ng bahagya ang dress niya sa kan'yang hita ay wala rin siyang suot na panty. Bigla siyang napabangon.

Bakit wala siyang panty?!

Natigilan siya pagkakita sa silid na kinaroroonan niya. Medyo madilim ang paligid pero batid niyang nakapunta na siya roon dahil sa pamilyar nitong itsura lalo na sa napakalaki nitong kama. Sigurado siyang nasa kwarto siya ni Nicolo.

Muli niyang inalala ang mga nangyari. Ang huling naalala niya ay nasa loob siya ng kotse ni Nicolo at dahil sa sobrang pagod ay nakatulog siya sa byahe. Chineck niya ang sarili. Suot pa rin niya ang kan'yang dress at walang ibang nawawala sa kan'ya maliban lang sa panty niya. Wala ring kirot o anumang bakas na may umatake sa kan'yang keps.

Medyo nakahinga siya ng maluwag. Akala niya may nangyari nung tulog siya na hindi niya naramdaman. Dahil kung meron man ay talagang magkakagyera sila ng lalaki. Payag siyang tirahin patalikod pero hindi ng tulog.

"Sleeping beauty has awaken." Napakislot siya sa gulat nang marinig ang boses ni Nicolo sa kung saan. She wandered her eyes around into the dark room, at natuon ang pansin niya sa silhouette ng lalaki na nakaupo sa isang single sofa na nasa bandang paanan ng kama. Hindi niya ito klarong makita pero naaalinagan niya ang pigura nito habang nakaupo. Ramdam niya ang malalalim at maririin nitong titig sa kan'ya.

"Anong.. ginagawa ko dito?" Nag- aalinlangang tanong ni Avria.

"What do you think you're doing here?" Balik na tanong nito sa kan'ya, malalim at seryoso ang tono ng boses. Nakaramdam tuloy siya ng kaba at hindi nakasagot. Heto na naman ang nakakakabang kaseryosohan ni Nicolo.

"I hate your dress, mine." Sambit nito kalaunan nang matahimik siya. "I hate those fiber shits covering your body. I hate you.. being covered in my eyes."

His voice were husky and hoarse. He sounds like he'd been suffering there. Hindi niya alam kung gaano na ito katagal nakaupo roon habang tinititigan siya. Nicolo was sitting there like a king beast lurking in the dark, hunting her.

Naulinagan niya ang telang nasa kaliwang kamay ng lalaki na nakapatong naman sa gilid ng inuupuan nito. Namilog ang mga mata niya sa gulat. Sigurado siyang iyon ang panty niya dahil sa pamilyar na kulay dilaw nitong floral design.

"B-Ba't nasa sayo ang panty ko?" Namumulang tanong niya. Kingina, nakakahiya. Hindi bagay sa mala dolyar nitong kamay ang salawal niyang dilawan, bulaklakin at nabili lang sa divisoria. 250 pesos lang 'yun limang piraso na. Nakatawad pa siya kaya bale 230 na lang.

"I'm taking this in exchange for my underwear. This is mine now." Sagot nito na natatago pa rin ang mukha sa madilim na parte ng kwarto.

"Huh?" Litong reaksyon niya. Hindi yata siya informed na may exchange gift pala dito ng underwear.

"Aanhin mo naman 'yan?"

"Gagawin kong lucky charm."

Nawarla siya ng bongga. "Lucky charm!? Mukha bang pampaswerte 'yang panty ko!?"

Bigla siyang naconscious. Hindi niya maalala kung maayos ba ang naisuot niyang panty ngayong araw. Baka iyon 'yung loose thread o 'yung may punit punit ang garter. Shuta, hindi naman niya kasi afford 'yung mga pang Victoria Secret na underwear. Hindi siya gagastos ng pagkamahal mahal tapos hindi naman niya maibabalandra sa madla.

Chase MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon