Chapter 31

9.3K 414 151
                                    


Simula nang makilala niya si Nicolo umasa siya sa posibilidad na pang fairytale ni Cinderella ang buhay niya. Coz like her, pinagkaitan ng pamilya at pagmamahal si Avria. May masungit siyang Tiyahin at malditang pinsan. Maganda siya pero dukha. At si Nicolo ang mayamang prinsipe na makakahanap at magliligtas sa kan'ya mula sa hagupit ng buhay.

But she's no Cinderella. Pang Legal Wife pala ang buhay niya at ang masaklap, siya si Nicole. Kabit, kerida, number two. At hindi lang 'yun, may halo pang drama at trahedya ang buhay niya dahil ninakaw siya noong baby pa siya at inilayo sa totoong pamilya. Tapos itong leading man na nangabit ay ginagamit lang siya para maghiganti sa tatay niya na naging dahilan para magpakamatay ang nanay nito. Oh diba? Napakagulo ng buhay niya. Sa sobrang gulo umabot na siya sa puntong iniisip niya kung kikita ba siya ng pera kapag sinulat niya ang kwento ng buhay niya sa MMK o sa MPK.

"Mine.." Mabilis niyang itinaas ang isang kamay upang pigilan ito sa pagsasalita. Nakailang rounds na sila at kotang kota na ito sa kan'ya mula pa kagabi. Sa tanda niya ay nakaanim na straight jackpot ito at feeling niya malulumpo na siya. At gusto na niya talagang malumpo dahil nakuha niya pang bumukaka kahit na abused at nakawawa ang kipay niya. Hindi lang 'yon, gusto niya ring maging bulag, pipe at bingi dahil sa kahihiyang ginawa niya sa kan'yang sarili.

"Wag ka na magsalita." Aniya nang hindi ito tinitignan. Pareho silang nakaupo at nakasandal ngayon sa headboard ng kama, nababalot sa kumot ang mga hubad na katawan.

"Let's talk-" nawalan na yata ng pasensya ang palad niya at awtomatikong lumipad patungo sa pisngi nito.

"Sabing wag ka na magsalita!"

Napakurap siya nang makita ang natagilid nitong mukha. Sa kabila ng lakas ng sampal niya ay hindi nagbago ang matigas na ekspresyon nito. He doesn't even looked guilty at all! Nagawa siya nitong lokohin, gaguhin at gamitin ng paulit ulit at hindi man lang ito mukhang nagsisisi sa mga ginawa. Putangina!

"Avria listen-" muling dumapo ang palad niya sa kabilang pisngi nito.

"Ayokong marinig ang boses mo!" Galit na hiyaw niya. "Ayokong makita ka! Ayokong makasama ka! Ayokong marinig ang mga kasinungalingan mo! Ayokong ayoko na!"

Something passed in his eyes after hearing her words. Umigting ang panga nito at muling tumingin sa kan'ya. Her heart sank deeper at the sight of his alluring dark eyes who's now void of emotions. Napakasakit ng lahat ng nangyari sa kanila. Napakasakit malamang nagpakatanga siya dito. Lahat ng hirap niya para makapagtapos ng pag- aaral at maging edukado ay nasayang lang dahil nagpaka boba siya sa pag- ibig. Nicolo succeeded in destroying her. Ngayon isa na lang siyang babaeng kaladkarin at kabit. She became a worthless woman the time she let herself have an affair with a married man. Pinatotohanan lang ng mga kilos nito na nagsasabi ng totoo si Zipporah.

She never felt this miserable.

Ipinagkait niya sa sarili ang katotohanan sa pagkatao niya sa takot na masaktan siya pero doble dobleng sakit ang nararamdaman niya ngayong lumabas na ang totoo. If she was brave enough to face the truth, hindi sana siya maloloko. If she's smart enough to avoid having attachments with a stranger, hindi sana siya masasaktan ng ganito. She would've prevented this from happening. Siya ang naglagay sa sarili niya sa kahiya- hiyang sitwasyon.

"I'll get you some food. Mag- uusap tayo kapag kumalma ka na." Mahinahong anito bago umalis ng kama. Nicolo wear his boxer on before he exited the room. Naiwan siyang nakatingin sa pintong nilabasan nito.

Ilang sandali nang mawala ito sa paningin niya ay nagsimulang bumuhos ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan. She cried out her broken heart, mind and legs. Nananakit ang buong katawan niya pero walang katumbas ang sakit at bigat ng dibdib niya. The huge weight of pain was killing her inside. Bumalik sa utak niya ang unang beses na nagkita sila ni Nicolo at ang mga araw na magkasama silang dalawa. Those days felt so true and pure. It was a not- so perfect love story for her but it was perfectly fine. They made love literarily and literally. It was the most wonderful feeling she had ever felt in her entire life.

Chase MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon