Ilang minuto na ang lumipas magmula nang makasakay si Avria sa kotse ng lalaki. Nicolo didn't start the engine yet and was just staring intently in his steering wheel. His lips formed in thin line, jaw clenched. Banayad na ang pagtaas baba ng balikat nito ngunit nararamdaman pa rin niya ang intensidad ng awra nito.
Bumaba ang tingin niya sa kamay nitong mahigpit na nakahawak sa manibela. He has bruises in his fists. Kahit alam niyang mas agrabyado si Hanzo ay hindi niya mapigilang mainis sa lalaki. She doesn't like seeing Nicolo wounded.
"Are you.. okay?" Avria asked softly.
Hindi ito umimik o lumingon. Mariin pa ring nakatitig ang lalaki sa manibela, waring doon nito binubunton ang galit. Napabuntong hininga siya.
"We didn't kissed. N-Napuwing lang ang mata ko.." Naglapat ang labi niya sa kaba. Hindi niya gustong magsinungaling pero ayaw naman niyang palalain pa ang galit ni Nicolo sa kapatid kapag nalaman nitong inaasar lang ito ni Hanzo. Pinili niyang sakyan ang trip ni Hanzo para hindi na lumala ang sitwasyon.
"He touched you." Mapanganib at malamig nitong sambit.
"Walang malisya 'yun." Depensa niya. Nagmistula siyang takot na tuta nang mas umigiting ang panga ni Nicolo. She felt like she was being blamed of cheating where in fact, ito ang nahuli niyang may kahalikang iba.
Muling nanahimik si Nicolo. Mahinahon na nga ito pero hindi nabawasan ang kaba niya sa mood ng lalaki. He was like an enraged wolf who's not gonna think twice of killing his enemy. Kung gaano kalala ang kalokohan ni Nicolo ay siyang lala naman ng ugali nito kapag galit.
But despite of feeling unease and hesitant, Avria felt happy seeing him by her side. Sobrang namiss niya si Nicolo at kung hindi lang ito galit ngayon, baka dinumog niya na ito ng yakap. Pero nawawala ang kagustuhan niyang iyon tuwing sumasagi sa isip niya ang nadatnang pangyayari kanina. Nangingitngit sa galit ang puso niya sa babaeng 'yun. How dare her kiss him just like that? Tangina, gusto niyang hanapin ang babaeng 'yon para turuan ng leksyon. Wag lang ito magpapakita sa kan'ya kundi hahamunin niya ito ng one on one sparring.
"I'm sorry." Bigla siyang nabalik sa reyalidad nang magsalita si Nicolo. She turned to him with confused eyes.
"For what?"
"I know you saw it. I didn't mean the kiss. She suddenly fell on top of me and kissed me." Anito sa mababang boses.
"Did you kiss her back?" Kabadong tanong niya. Lihim niyang pinagdarasal na sana magustuhan niya ang sagot nito dahil baka sila naman ang magbugbugan. Wala silang label pero hindi sapat na dahilan 'yon para lumandi si Nicolo sa iba. He was the one who bragged into her life so he somehow committed himself to her.
"No." Medyo nakahinga siya ng maluwag.
"But did you liked the kiss?" She asked expectantly. Nakahanda na ang kamao niya sakaling magkamali ito ng sagot.
"Her lips was soft," unti- unting namuo ang enerhiya sa kan'yang kamao, "..but it tastes like it was over kissed by numerous men. It wasn't as pure as yours."
Nagback out ang kamao niya. Pinigil niya ang pagguhit ng ngiti sa kan'yang labi. He had answered her good enough para mawala ang sakit na dulot ng nasaksihan niya. He didn't kissed back nor liked the kiss and that what she needed to forgive.
"Good. Sapat na 'yan para hindi ako maghamon ng suntukan dito." She tried to put some humor in their conversation but Nicolo stayed stiff. Bumaling ito sa kan'ya gamit ang mga seryoso at mariing mata.
"I'm sorry." He repeated.
Napakunot ang noo niya. "Para saan naman ulit?"
Matagal itong natahimik at mas tumitig lang sa kan'ya. Wala sa sariling tumuon ang mga mata niya sa mapula at mamasa masang labi ng lalaki. She swallowed hard as she felt like kissing him in this instant. Dumaan sa pang- amoy niya ang kahali- halinang pabango nito. Humalo ang alak sa panglalaking amoy ni Nicolo ngunit hindi ito nakabawas sa karismang taglay ng lalaki.
BINABASA MO ANG
Chase Me
قصص عامةAll things happened so unexpectedly. She met him, got to know him and slept with him. She thought she finally found the man she would lend her heart and spread her legs. But a twist was bound to happen. She discovered everything she saw and felt wa...