"Wala na bang ibibilis 'yang pagsubo mo?" Iritang tanong niya habang pinapanuod itong kumain. Nasa kitchen sila ng bahay nito ngayon at halos magkakalahating oras na mula nang sinamahan niya ito pero hanggang ngayon ay 'di pa rin tapos kumain ang hudas.
"Wag mo 'kong i- pressure." Tila nang- uutos na sagot nito habang prenteng kumakain.
"Gan'yan ka ba talaga kabagal kumain o nananadya ka na?" Asar na tanong niya. Halata kasi sa kilos nito na sadyang binabagalan lang ni Nicolo ang pagsubo para mas matitigan siya ng matagal.
Bumuntong hininga ito at ibinaba ang kutsara bago tumingin sa kan'ya.
"You're so talkative, Avria. I can't eat properly." Reklamo nito. Totoo naman dahil kanina pa siya reklamo ng reklamo sa lalaki. She just can't stay here with him without feeling strange feelings. Kakaiba ang pakiramdam niya kapag kasama ito. Hindi naman siya naaasiwa kasama ito ngunit malaki ang epekto sa kan'ya ng presensiya ni Nicolo. Lalo na ngayon dahil parang inaakit siya nito sa paraan ng pagtitig nito sa kan'ya habang kumakain.
Salamat talaga kay Lord dahil naisipan nitong magsuot ng tshirt.
"Bilisan mo na kasi. Malelate na ako sa trabaho."
"You won't be late." He said, reassuring, and continued to eat.
"How sure are you? Ikaw ba ang boss ko?" Irita siyang umirap rito.
"Bakit? Gusto mo ba na ako na ang maging boss mo?" Napakunot noo siya sa klase ng ngisi nito sa kan'ya na tila may masamang binabalak.
"Neknek mo." He chuckled at her response.
"I'm hiring for a sexretary. Do you want to get hired?"
Napasimangot siya sa pilyong ngiti na naglalaro sa mga labi nito.
Akala mo mauuto mo 'kong kutong lupa ka? Magkano ba ang pasweldo?
Naglapat sa inis ang labi niya at lihim niyang pinagalitan ang sarili. Umaariba na naman ang maharot na bahagi ng utak niya.
"Asa ka." Aniya at humalukipkip. "Dalian mo na nga d'yan! Matagal makasakay ng jeep no. Baka matraffic pa sa daan." Asik niya.
"Then ride on me, Avria." Saad ni Nicolo habang makahulugang nakangisi sa kan'ya. Nanlaki naman ang mga mata niya at naeeskandalong tinignan ito.
"Gago!"
He laughed soundly. "I mean, sa'kin ka na sumakay. My car is in the garage." Natatawang sambit nito. Sinamaan naman niya ito ng tingin.
"Wag na! Baka mas lalong 'di ako makapasok sa trabaho." Tanggi niya. Hindi talaga pwede dahil alam niya kung gaano kalakas ang kapilyuhan ni Nicolo. Ginawa nga nitong kambyo ang hita niya. At mas lalong 'di siya makakamove on sa mga momol sessions nila kung sasakay siya ulit sa kotse nito. Baka nga magkaroon pa ng part 2 roon.
"Para ka namang others n'yan. Wala ka bang tiwala sa'kin?" Kunwaring tampong tanong nito. Muli niya itong inirapan. Feeling niya anumang oras ay matatanggal na ang eyeballs niya sa kakairap sa lalaki. Nakakainis na nakakaakit ang ugali nito.
"Wala. Obvious ba?"
"How can't you trust someone who have given you pleasure and sipped all your juices?" Parang may hinanakit na tanong nito. Mabilis namang lumipad papunta rito ang kamay niya.
"Aray!"
"Tanginamo! Tumahimik ka na!" Namumulang singhal niya sa lalaki. Tangina. Nagmomove on na nga siya sa mga nangyari tapos ipapaalala pa sa kan'ya ng talipandas. Kailangan na talaga niyang lagyan ng zipper ang bibig nito!
BINABASA MO ANG
Chase Me
General FictionAll things happened so unexpectedly. She met him, got to know him and slept with him. She thought she finally found the man she would lend her heart and spread her legs. But a twist was bound to happen. She discovered everything she saw and felt wa...