Chapter 4

15K 415 51
                                    

"In every beauty
there will be always a beast."
~

~~
Naiinis siya.

Inis na inis siya sa sarili dahil hindi niya alam kung paanong napadpad siya sa loob ng kotse ni Nicolo at ngayon nga ay kasama niya ito habang binabagtas nila ang daan papunta sa kan'yang tinitirhan. Mas lalong nakadagdag pa sa pagkainis niya ang malaking ngisi nito habang nagmamaneho.

Ngiting tagumpay ang gago.

Malalim siyang napabuntong hininga. Hindi siya tinigilan ng lalaki kanina kahit ilang beses na niya itong hinindian. Sinundan pa siya nito ng sinundan hanggang sa mairita siya at nakipagdebate rito. Pero sa huli, siya pa ang natalo at napapayag.

Parang naging member yata ito dati sa fliptop rap battle sa galing nito bumanat sa kan'ya. Lugi siya dahil may halong panglalandi ang mga rebat ng lalaki.

Paumanhin dahil babae lang siya at rumurupok rin.

"Ginagawa mo ba 'to sa lahat ng babaeng gusto mong ikama?" Biglang tanong niya. Hindi na siya nag- abalang ifilter ang bibig dahil mismong bibig ng lalaki ay kulang sa filter.

Umakto itong nag- isip.

"Yeah, I think?" Patanong na sagot nito. Napairap naman siya.

"Di ka pa sure n'yan ah." He chuckled.

"But I'm sure you're different." Bumaling siya rito ng tingin ngunit nanatili sa daan ang mga mata nito.

"Pano naman naging iba?" Taas kilay na tanong niya.

The side of his lips tilted.  "Because I'm plainly driving you home."

"At sila?" Kumunot ang noo niya.

"Hinahatid ko sila pagkatapos namin," mabilis itong sumulyap sa kan'ya, "ng alam mo na."

Sumimangot siya at mabilis na hinampas ang braso nito. "Bastos!"

"Hey, I'm driving!" Natatawang saway nito. Umismid lang siya at muling umayos ng upo. Kung may pagkapasmado ang bibig niya ay may kalyo naman ang bibig ng lalaki.

Pero kung may kalyo ito sa bibig, iyon na yata ang pinakamasarap na kalyo na natikman niya. Ahihihi.

"Well, sorry for you dahil papatikim lang ako pero hindi magpapatira." She said, rolling her eyes.

"Don't say a word, Lady. Di pa tayo sure d'yan." Anito habang nakangisi at nakatingin sa kan'ya sa rearview mirror.

"Ows? Gano ka kasiguradong matitira mo ako?" She asked challengingly. Kumpiyansa naman itong ngumisi.

"Gano ka rin ba kasiguradong hindi ka papatira?" Namilog ang mga mata niya sa walang pakundangang pagtatanong nito nun sa kan'ya. He sounded so sure of himself and that makes her more frustrated. Buti pa ito sure na sure sa sarili habang siya ay nagdadalawang isip kung kaya niya bang tanggihan ito.

More like, kaya niya bang hindi magpatira dito?

AaaAaacCkk! Lord patawad!

"B-Bastos!" Tanging naging reaksyon niya at mabilis na iniwas ang tingin sa lalaki. Shuta this! Nagkaloko loko na ang sistema niya sa mga pinagsasabi nito. Dagdag pa sa problema ang nakakaakit nitong mga ngisi na kanina pa siya tinuturn on. Napapatingin din siya sa maugat na kamay nito na marahang minamasahe ang manibela. Parang nainggit bigla ang suso niya sa pagmamasahe nito roon.

Tangina! Ano nang nangyayari sa'yo Avria!?

Bigla sumagi sa isip niya kung bakit maugat ang kamay nito.

Chase MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon