Who run the world?
GIRLS!
-Beyonce~~~
"Shit, ang sikip.." Ungol niya habang pilit na pinagkakasya ang sarili sa isang pulang sexy dress. Medyo may kaliitan ito sa kan'ya ngunit hindi ang pagiging masikip nito ang magiging hadlang para masuot niya ito. Galing iyon sa dugo't pawis niya kaya dapat lang na masuot niya ang damit.
"Woh!" Hinga niya nang tuluyang masuot ang masikip na halter dress. Mabilis siyang humarap sa malaking salamin at umikot ikot habang nagpopose.
"Ay pak! Gandara talaga!" Muli siyang umikot at pinasadahan ng tingin ang buong katawan. Maganda ang tela ng damit at talagang klarong klaro ang mga kurba niya sa katawan. Mukha siyang mamahalin sa suot. Nagpose siya ulit at pinagdiskitahan namang tignan ang kan'yang mukha.
"Mapapamura ka talaga sa ganda, tangina!" Malutong na mura niya habang ngumingiti sa salamin. Kinuha niya ang phone at nagtake ng mirror shot. May mapopost na naman siya sa kan'yang instagram.
"Hoy, Avria! Nasaan ka ba!?" Muntik nang mahulog mula sa kamay niya ang phone nang umalingawngaw sa buong bahay ang boses ng tiyahin niya. Nanlaki ang mga mata niya at tarantang hinubad ang damit. Halos mapunit na ang damit sa sobrang hirap niyon hubarin sa kan'ya. Sexy naman siya pero patpatin ang kan'yang pinsan kaya hindi magkasya kasya sa kan'ya ang mga damit nito.
Nang mahubad ay mabilis niyang inilagay muli ito sa loob ng kabinet at naiwan naman siyang suot ang lumang daster na ibinigay pa ng kan'yang tiyahin sa kan'ya. Ewan ba niya, sa dinami ng gamit nito ay sadyang sa mga daster lang nito mapagbigay ang tiyahin.
"Avria!" Napangiwi siya dahil galit na galit na naman ang boses nito. Huminga siya ng malalim bago lumabas sa kwarto ng pinsan dala ang dust pan at walis.
"I'm here Tita!" Magiliw na sagot niya sa pagtawag nito. Sumalubong sa kan'ya ang nakasimangot na mukha ng tiyahin. Mahaba ang daster na suot nito (na paniguradong sa kan'ya na naman ang bagsak kapag nagsawa ang tiya niya) at maraming rollers sa buhok. Tipikal na itsura ng mga nanay na hilig pagchismisan ang mga buhay ng ibang tao. Charot Tita!
"Anong ginagawa mo sa kwarto ng anak ko?" Masungit na tanong nito. Napakamot naman siya ng ulo.
"Hulaan mo Tita!" Sabi niya at iminuwestra ang dust pan at walis tambo sa harapan nito. Umikot siya at nagfinger heart sa tiya. Sinagot lang siya nito ng pamatay nitong irap bago inilahad ang palad sa kan'ya.
"Pengeng pera." Panghihingi nito ngunit nang- uutos ang tono ng boses na para bang ito ang naglilinis ng bahay, kumakayod at nahahagard sa pagtatrabaho. Nginitian niya agad ito.
"Nasa lamesa na po Tita kasama ng almusal niyo. Nakahiwalay na din po 'yun para sa pambayad sa kuryente, tubig at panggastos niyo dito sa bahay." Pagkatamis tamis ng ngiti niya ngunit nakabusangot parin ang mukha nito.
"May niluto ka bang pagkain para kay Mia?" Tanong ng tiyahin, tinutukoy ang pinsan niyang nag overnight na naman sa saang lupalop ng mundo. Halos gabi gabi na itong wala sa kanilang bahay dahil nag oovernight ito sa bahay ng mga barkada. Pabor naman 'yun sa kan'ya dahil tuwing wala ito ay nagagawa niyang isukat ang mga damit na pinamili ng pinsan gamit ang kan'yang pera.
"Syempre naman, Tiya. Da'best pamangkin mo yata 'to." Sagot niya na inismiran lang ng babae.
"O' siya, maglinis ka muna ng bahay bago umalis patrabaho." Utos nito at tinalikuran na siya. Naiwan naman siyang napawi ang ngiti at napabuntong hininga.
"Ano pa nga ba."
TULAD ng nakagawian ay maaga siyang pumasok sa kan'yang trabaho. She was working as the secretary of Mr. Hernando Salazar, the owner of the prestigious company of Salazar Incorporation. Almost a year na rin siyang nagtatrabaho bilang sekretarya nito and so far so good naman ang trabaho niya. She was one lucky gal to get that job lalo na't sobrang tayog at laki ng kompanyang iyon. That's why she's working really hard and always maintaining her good records. Kung dati ay maaga pa siya sa tanghali pumapasok sa eskewela, ngayon nama'y mas maaga pa siya sa guard pumasok sa opisina.
BINABASA MO ANG
Chase Me
General FictionAll things happened so unexpectedly. She met him, got to know him and slept with him. She thought she finally found the man she would lend her heart and spread her legs. But a twist was bound to happen. She discovered everything she saw and felt wa...