Chapter 38

9.1K 389 142
                                    

Isang linggo.

Isang linggo na siyang hindi makatulog. Tumingin siya sa alarm clock sa tabi ng lamp and it says it's already 2:33 in the morning.

Napabuga siya ng hangin at inis na bumangon at umusog paatras para sumandal sa headboard ng kama. Masama sa kanya ang pagpupuyat pero kahit anong pikit at pwesto sa paghiga na ang ginawa niya, hindi pa rin siya makatulog.

Namamahay siya, maraming gumugulo sa utak niya at nahihirapan pa rin siyang mag adjust sa mga pagbabago sa buhay niya. Changes were so sudden, binulaga siya sa isang iglap and she's having a hard time to cope up.

Mula sa tirahan, kama, kumot, damit at pagkain ay maraming nag- iba. Doble doble ang laki ng kwarto niya kumpara sa kwarto niya noon sa bahay ng Tiya Agnes. Mas makapal pa sa mukha niya ang kutson ng kama niya ngayon, mas makapal pa nga ang comforter kaysa sa kutson niya dati na kaunti na lang bibigay na.

May aircon na din dito, kumpleto sa mga gamit at appliances, may sarili pang wardrobe at may malaking CR na may bathtub at shower pa. Mas bongga pa kay Juliet ang balcony ng kwarto niya na katapat lang ng kama niya. Huta, instant milyonaryo ang eksena ng kan'yang buhay.

She sighed again. Her room was very pleasing and comfy yet she couldn't sleep.

"Hmm.. fuck babe you're so good uhh.." Mabilis na dumapo ang tingin niya sa katabi niyang nakatalikod sa kan'ya habang nakabaluktot na parang fetus at nakayakap sa unan. Napakahimbing ng tulog nito at mukhang nanaginip na naman.

Isa pa 'tong hindi nagpapatulog sa kan'ya sa gabi. Hanggang sa panaginip may kaiyot ampota.

Sino ba namang makakatulog kung may bigla bigla na lang umuungol sa tabi mo? Hindi na kasi nakakalabas kaya sagana ngayon sa wet dreams ang lola niyo.

Irita siyang umirap sa kawalan bago tumayo at lumabas ng kwarto. Maghahanap na lang siya ng malalamon sa malaking kusina.

As she walks her way, she busied herself by wandering her eyes around in the dim hallway. Isang linggo na siya ditong nakatira pero hindi pa rin nasasanay ang mga mata niya sa kabonggahan ng mansyon. Luma ngunit kabog ang baroque style ng mansyon, dagdag pa na well maintained and organized ang mga gamit at palamuti.

Nakakainggit dahil mas malinis pa sa budhi niya ang mga lumang kagamitan dito. Long lost daughter and heiress ang drama niya pero pakiramdam niya hampaslupa siya sa lugar na ito.

"Princess.."

"Ay hampaslupa!" Halos mapatalon siya sa gulat nang makasalubong ang Don ng mansyon. "Papá!"

Nanlalaki ang mga matang tumingin siya sa ama. Don Antonio chuckled heartily, get neared her and lovingly embraced her.

"Pardon, my princess." Pinakawalan siya ng ama at banayad na hinaplos ang kan'yang ulo. "Malalim na ang gabi, bakit gising pa rin ang prinsesa ko?"

Kumibot kibot ang labi niya. Naninibago at hindi alam kung anong ire- react sa sitwasyon. Sa isang iglap, nagkaroon siya ng ama. Tunay na ama, who cares and loves her. Who longed for her.

"Hindi ka ba makatulog?"

"H-Hindi po, nauhaw lang po ako bigla." Agad na sagot niya, hindi gustong ipaalam na namamahay siya sa mansyon. She doesb'n't want to be insensitive with her father. Pareho lang naman kasi silang naninibago sa sitwasyon.

"Ikaw Papá? Ginabi na yata kayo ng uwi." Aniya, napansin niya na nakapormal pa rin ito at kakarating lang.

"Ah oo, nagkaroon lang ng kaunting problema sa farm kaya hindi ako agad nakauwi dito."

Naglapat ang labi niya at muling kumibot kibot. Madaldal siyang tao pero hindi tumatalab ang bunganga niya sa sariling ama. Ganun din ito na batid niyang nangangapa sa ilang taon nilang hindi magkasama.

Chase MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon