Chapter 18

13.6K 403 100
                                    


Iika- ika siyang bumaba sa hagdanan.

"Nyare sa'yo?" Gulat siyang tumingin kay Mia na hindi niya napansing kasunuran lang pala niyang bumaba. Nakakagulat na gising na ito ng ganito kaaga dahil kadalasan ay tulog pa rin ito bago siya pumasok sa trabaho.

"Ah.. natapilok lang insan." Kabadong palusot niya. Kinakabahan siya dahil baka malaman nito ang kababalaghang nangyari sa kwarto niya. Pareho kasing nasa second floor ng bahay ang kwarto nila habang nasa baba naman ang kwarto ng kan'yang Tiyahin.

"Ano 'yun?" Tanong nito na waring hindi narinig ang kan'yang sinabi.

"Sabi ko, natapilok lang ako insan." Mas malakas na sambit niya. Nagpatango tango naman ito.

"Ahh, natapilok pala. Rinig ko kasi naplok plok." Wika nito na ikinalaki ng mga mata niya.

"H-Ha?" Alanganin siyang tumawa. "Baliw ka talaga, insan." Pinilit niyang wag magpahalata dito. Possible kayang narinig nito sila kagabi? Tangina, lagot talaga siya sa Tiyahin niya.

"Sus," inunahan siya nito sa pagbaba at humarang sa daan niya. "Wag kana magpainosente kasi alam naman natin na may nakakuha na sa—"

"Insan!" Nanlaki ang mga mata niya.

".. interes mo." Maloko itong ngumiti sa kan'ya. Biglang namula ang mukha niya dahil sa malisyosang tingin nito. Kingina. Medyo nakampante siya kagabi dahil alam niyang tulog mantika ang babae at sa baba naman ang Tiyahin niya natutulog. Sinubukan niya ring hinaan ang mga ungol niya pero paniguradong hindi niya iyon tuluyang nakontrol. Mesyede keseng mesherep.

"Pero normal lang 'yan, Avria. Pinagdaanan ko din 'yan, ‘di nga lang dito sa bahay." Makahulugang sambit nito. Napaawang ang bibig niya sa babae. Gi atay, alam nga nitong nakipagjerjeran siya kagabi! Tangina. Lamunin na lang siya ng lupa ngayon din dahil wala na siyang mukhang maihaharap pa sa pinsan at Tiyahin niya! Naisuko na niya ang bataan at ngayon nama'y mapapalayas na siya sa tinitirhan niya dahil sa sariling kaharutan!

"I-Insan.. m-magpapaliwanag ako."

Mia waved her hand at her dismissively. "Hindi na. Parte 'yan ng buhay, Avria. Mahirap naman talagang tumahimik lalo na kapag nasagad.." Muling nanlaki ang mga mata niya. ".. ang pasensiya."

Mia smiled at her cunningly. Mas lalo naman siyang kinabahan sa itsura ng babae. Ngiting maloko si Mia pero nakikita niya, bukod sa maitim na eyebags, ang maitim na balak sa mga mata nito.

"Insan, wag mo 'kong isusumbong kay Tita." Halos pagmamakaawa niya sa pagkataranta. Kapag talaga nalaman ng Tiyahin niya ang kagagahan niya ay baka mawalan siya ng tirahan. Baka ipamalita pa nito sa buong baranggay ang kaharutan niya. Magiging headline pa siya ng mga nagbabagang tsismis.

Shuta. Kasalanan itong lahat ni Nicolo. Kung hindi lang siya nito ginapang kagabi, hindi siya mapapahamak ng ganito. Nakakalakad din sana siya ng maayos!

"Hindi naman ako sumbungera." Sabi nito at sumandal sa railings ng hagdanan at humalukipkip sa harap niya. Nagliwanag ang mukha niya sa tinuran nito.

"Lalo na't pauutangin mo ako ng pera." Mabilis na napundi ang liwanag ng pag- asa sa kan'ya. Kingina, ito na nga ba ang sinasabi niya. Hinahanap at pinapansin lang siya sa bahay na 'to kapag kailangan nila ng datong.

Pero natigilan siya dahil sa salitang 'pauutangin' nito. Bago 'ata 'yun sa pandinig niya.

"Utang? So babayaran mo 'ko, insan?" May pagdududang tanong niya.

"Pag- iisipan ko muna." Diretsang sagot nito na lalo niyang kinasimangot.

"Magkano ba?" Tanong niya, bahagyang nanlulumo dahil mababawasan na naman ang kapiranggot na pera niya.

Chase MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon