It's Saturday today and weekends are her rest days from work. Plano niya ngayong magstay sa mansyon at alagaan si Azilian. She wanted to have quality time with her son before Nicolo arrives dahil tuwing weekends ay ipinapasyal at inililibot nila sa hacienda ang bata.
Pero naudlot iyon dahil may pa- surprise visit ang mga kaibigan niya.
Unang dumating si Silvanna at Lexi, pagkatapos ng isang oras ay dumating naman si Hanzo at Wesley. At nagpalipat lipat na sa apat ang anak niya. Halos ayaw na ibigay sa kan'ya.
"Don't be so KJ, Avi. Minsan na nga lang ako makavisit kay baby Azi eh!" Reklamo ni Lexi nang akmang kukunin niya ang bata sa babae. Nakatambay silang lahat ngayon sa malawak na flower garden ng mansyon. Nagpahanda siya ng malaking buffet para sa mga bwiseta.
"Inggitera! Gumawa ka din ng baby mo para di ka nang- aagaw dyan." Supladang sabat ni Mia na kasalukuyang nilalantakan ang pinaluto niyang mga pagkain. Akala mo bisita din.
"Shut up, demonyita. Ikaw, don't you ever conceive a child or else lalong kakalat ang mga panget!"
Ayan na nga, nagsimula na magriot ang dalawang magbestfriend. Buti na lang immune na sila ni Vanna sa dalawang babae.
"Ikaw ang wag mag- aanak kasi hindi ka maiintindihan ng anak mo! Di ka pa mahal ng asawa mo!"
Eksaheradang suminghap si Lexi at iniabot sa kan'ya si Baby Azilian bago hinarap muli si Mia. Tulad niya ay tahimik na nakikinig ang bata, waring naiintindihan ang nangyayari at natutuwa pa.
"How dare you say that?! After ko tanggapin yung mga maids that you referred?!"
"Hoy! Wag kang atichoda dyan, di ka naman nagpapasweldo on time!" Sagot ni Mia at hinarap din ito.
"That happened one time. Only one time! I've said sorry to them and we're okay with it. You're the one left who's hindi pa maka move on. Is it really that hard for you to forget?" May lamang rebat ni Lexi. Maldita ang ngisi nito.
Napa- ohh naman siya sa sagutan ng dalawa. Pumalakpak si Azi at humagikhik habang pinapanuod ang Auntie at Ninang. May pagka chismoso din talaga ang anak niya dahil gustong gusto nitong nakikinig tuwing may mga bisita at nag uusap, lalo na sa dalawang aso't pusa.
"Girls, calm down." Pumagitna na si Hanzo. "Lagi na lang kayo nag- aaway. What's the feud all about?"
"Mukha mo feud." Umirap si Mia.
"Hayaan mo sila. Love language nila 'yan. Bardagulan." Turan ni Vanna na tahimik na pinapanuod ang dalawa. Sa tinagal na ganito sila Mia at Lexi ay naging normal na lang ito sa kanila ni Vanna.
"I thought your job is to keep the peace?" Usyuso ni Hanzo na tumuon kay Vanna. Sa tabi nito ay nakaupo si Wesley na may sariling mundo at tahimik lang na kumakain sa tabi.
"Off duty ako." Sumubo si Vanna ng cookies. "Tsaka hindi pa naman sila nagpapatayan."
"And if that happened, you're on my side, right? Kasi we're friends eh." Sambit ni Lexi at yumakap sa braso ni Vanna.
"Wow, naghanap pa ng kakampi. Kahit ipatawag mo pa ang buong agency ng asawa mo wala akong pakialam. Pag untugin ko pa kayo." Matapang na saad ni Mia.
"Guys, naririnig kayo ng bata. Baka maadopt niya yung mga salita niyo." Awat niya na rin. Humahaba na kasi ang usapan. Baka mauwi na naman sa pagbubuno ang dalawa.
" Oh sorry, my dear Azi! Please don't listen to us, lalo na sa Tita Mia mo. She's an evil witch." Sabi ni Lexi sa kan'yang anak. Ngumiti naman dito si Azi.
"Tata Mi-ya!" Masiglang usal ng bata at tumawa.
"Magkakampi kami niyan ni Azi. Ako ang favorite niyang Tita. Ikaw, sampid ka lang." Supalpal ni Mia kay Lexi.
BINABASA MO ANG
Chase Me
General FictionAll things happened so unexpectedly. She met him, got to know him and slept with him. She thought she finally found the man she would lend her heart and spread her legs. But a twist was bound to happen. She discovered everything she saw and felt wa...