Halos ilang minuto na siyang nakangiwi habang pinapanuod si Lexi na abala sa pakikipaglandian sa isang random guy na hindi niya alam kung saang lupalop na naman ng mundo nanggaling."You know, they say ocean is deep." Rinig niyang bulong nito sa kalingkisang lalaki na todo naman ang himas sa nakalantad nitong likod.
"But they didn't know my throat was deeper."
Triple ang kinalaki ng mga mata niya sa sunod na sinabi ni Lexi. Pakiramdam niya madedeform ang mukha niya sa sobrang pagkangiwi habang nakatingin sa mga ito. Siya ang nahihiya sa kalaswaan ng dalawa. Kung makapag- usap at maglingkisan ito ay akala mo nasa loob na ang mga ito ng motel. Mga walang respeto sa mga gaya niyang single!
The man laughed sexily. "You really gotta make sure you remember my name, lady."
"And why is that?" Maharot na tanong ni Lexi habang nakasandal sa balikat ng lalaki at malanding nakikipagtitigan dito. Parang gusto niyang murahin ngayon ang DJ ng bar dahil mahihinang tugtog pa lang ang pinapatugtog nito kaya klarong naririnig niya ang dalawa.
"Coz you're gonna shout it later." The jerk bluntly said and smirked at her. Lalo naman siyang napasimangot. Maaga nga siyang sumibat sa trabaho at nag- ayang mag- inom ngayon para makaiwas at makalimot sa lalaking binabastos ang buhay niya pero heto at may kasama din siyang nagbabastusan. Dapat pala pinili niya na lang pumunta sa simbahan o magkulong sa kumbento kaysa sumama dito sa bar. Nagiging polluted na masyado ang utak niya ng mga kabastusan dahil sa katulad nitong mga makamundong tao.
Napailing na lang siya sa mga ito bago bumaling kay Silvanna na kanina pa tahimik. Isa pa 'tong lutang. Siya ang nag- aya uminom pero mukhang ito pa ang mas problemado sa kanilang dalawa. Kanina pa ito seryoso at hindi makausap. Parang may sariling mundo ang babae habang solong umiinom sa isang sulok.
Kingina, kanino na lang ba siya magpapa comfort gayong may pinagkakaabalahan ang dalawa? Gusto niya ring makalimot sa problema.
Muli siyang napatingin kay Lexi nang umusog ito at tumabi sa kan'ya. Agad itong lumingkis sa kan'yang braso at pasekretong bumulong.
"What's his name again?"
Napakunot ang noo niya. "Aba malay ko sa'yo. Ikaw yung kausap este nakikipaglandian diba?"
"Gosh, girl. Hindi ko ma- recall ang name niya." She sighed, problematic. "But it's sounds like Mark, or Markus? Markie? Or baka Macoy?"
Walang kainte- interes niyang tinignan ang babae. Gaga talaga. Dahil sa dami nang naging lalaki nito, napaghahalo na tuloy nito sa utak ang mga pangalan ng lalaki. Ang lakas makipaghimasan pero hindi naman pala alam ang pangalan.
"I don't really know. Bahala na nga." Kalauna'y sambit nito at saka sumimsim ng alak.
"Oh, Vanna. You're here pala?" Baling ni Lexi kay Silvanna na tahimik pa ring umiinom. Halos wala nang laman ang kalahati ng mga bote ng alak sa mesa nila dahil sa tuloy tuloy na pag- inom nito.
"Gaga, tayo 'yung wala dito. Siya lang ang nag- eexist." Bulalas niya at muling tumungga sa hawak niyang alak. Bored lang na tumingin sa kanila si Vanna.
"What's the problem ba?" Tanong rito ni Lexi.
"Marami akong problema at wala kang magagawa dun." Seryosong sagot ng babae.
"Biatch. I didn't say na isosolve ko ang problem mo. I just wanted to know."
Vanna tsked. "Yung nag- aya ang tanungin mo." Turo nito sa kan'ya. Mukhang ayaw nitong pag- usapan ang pinoproblema ng babae. Pero ganun naman talaga si Vanna, bilang lang sa daliri kung kailan ito nagsabi ng personal nitong problema sa kanila.
BINABASA MO ANG
Chase Me
General FictionAll things happened so unexpectedly. She met him, got to know him and slept with him. She thought she finally found the man she would lend her heart and spread her legs. But a twist was bound to happen. She discovered everything she saw and felt wa...