Chapter 48

4.9K 176 44
                                    

"Kumusta ka na?"

Avria turned to him and smiled. "Okay naman, medyo naninibago pa rin sa pagbubuntis. Ikaw? Tagal mo nang hindi pumupunta dito, hindi mo na rin ako kinokontak." Aniya.

Napakamot ng batok ang lalaki. "I've been so busy these days. I got loads of task in hand that I can't refuse to do." Anito na agad niyang naintindihan. Halata naman sa itsura nito ang sobrang pagod at kakulangan sa tulog. He looked like he aged a decade in just a span of two weeks of working in their family company.

Bigla tuloy siyang nakonsensya.

"Sorry kung nadamay ka, Hanzo."

Tumingin ito sa kan'ya at pangising ngumiti. "I already told you, Avi. It's no big deal. Alam kong pahihirapan niya talaga ako by the time na malaman niyang pinagkaisahan namin siya."

Napabuga siya ng hangin at napailing sa lalaki. Hindi naman makatwiran ang sinapit nito kay Nicolo. Namayat si Hanzo, naging haggard at halos eyebags na lang ang nakikita niya sa mukha nito. He suffered hell for sure. Balita nga niya halos 15 times na itong lumipad sa ibang bansa dahil lang sa mga utos ng hudas nitong kapatid.

Kawawa naman si Hanzo. Napabugbog na nga niya noong nakidnap kuno siya, abugbog aberna pa ito sa trabaho under the supervision of none other than Azrael Nicolo Salazar.

She can't imagine kung anong sinapit nila Wesley, Dylan at Raul sa kamay nito.

"Basta hindi pa rin ako titigil na kumbinsihin ang hudas na magkaroon ng awa at matutong magpatawad. Balak ko na nga siyang dalhin sa simbahan bukas para mangumpisal." Saad niya na ikinatawa nito.

"I doubt that would work."

Napanguso siya. "I doubt too." Mas natawa si Hanzo sa tugon niya at napailing na lang.

They both knew Nicolo's hard as rock. He's firm and definitely not the type of person to mess with.

"How's the two of you, by the way?" Tanong ng lalaki kalaunan. She heaved a sigh and gazed back in the beautiful garden of her beloved mother. Nasa balkunahe sila ngayon ng mansyon kung saan malaya nilang nakikita ang buong harden.

"Hindi pa rin sila nagkakaayos ni Papà."

Mula noong nagkausap sila ni Nicolo ay bumalik na muli ang komunikasyon nila sa isa't isa. Nicolo would come here to visit her almost everyday. While she, on the other hand, ay pilit pinagsasama sa iisang lugar ang ama at si Nicolo para magkapalagayan ng loob pero nahahantong lang lagi sa pagtatalo ang dalawa. Sa pag- aasikaso sa kan'ya, sa pagpili ng pagkain niya, sa kung anong gagawin niya o maski sa kung sino ang sasama sa kan'ya sa kan'yang check ups ay nagbabangayan at nag- aagawan ang mga ito.

Nagmistulang aso't pusa ang dalawa na hindi magkasundo kahit sa maliliit na bagay. Noong nagsalo nga sila sa hapag ay muntik nang magkaroon ng gyera. Nicolo wanted them to live together, kahit dito ito tumira sa mismong mansyon para lang mabantayan siya nito oras oras. But Papà did not approve that. Giniit nitong hindi siya papayagan makipagbahay bahayan sa lalaki kahit pa buntis na siya. Marriage should be held first according to Don Antonio.

Syempre hindi nagpatalo si Nicolo. Hinamon nito ang Don at inaya siyang magpakasal ora mismo. Nagulat ang lahat, lalo na siya dahil walang habas nitong dineklara na pakakasalan siya ni Nicolo. Anytime na anywhere pa daw. Nawarla sila Tita Agnes habang si Papà ay sumama ang timpla ng mukha.

"Pakakasalan mo ang anak ko? Pareho nating alam na hindi mo yan magagawa hanggat nakatali ka sa dalagang Hontiveros. Ipapahamak mo lang siya at yun mismo ang pinakaayaw kong mangyari saking unica ija. I will declare war, even to you or to the Hontiveros', once she's harmed." Mariing usal ng kan'yang ama.

Chase MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon