It's her day off today at tuwing day off niya ang general cleaning sa buong bahay. At syempre siya lang ang maglilinis."Avria, pupunta muna ako kay Norma. Siguraduhin mong malinis ang bahay at may pagkain si Mia bago ka umalis." Natigil ang pagbubunot niya sa sahig nang makababa ang kan'yang Tiyahin mula sa taas ng bahay. Mukhang makikitsismis na naman ang Tiya Agnes niya sa mga ganap sa buhay ng anak ni Aling Norma.
"Copy that, master." Aniya at sumaludo dito. "Balitaan mo na lang ako Tita kung sinong nakabuntis kay Annie ah."
Sinamaan siya nito ng tingin. "Hindi ako makikichismis doon no, mangangamusta lang!"
Aysows. Gusto niya sana itong kontrahin pero nagkibit balikat na lang siya. Baka habulin na naman siya nito at paluin ng kung anong mapulot nito sa paligid dahil sa pagkaasar sa kan'ya. Mahirap na magalit ang Tiyahin dahil bigla nitong naaalala ang lahat ng kapalpakan niya mula simula hanggang dulo. Baka maalala pa nito ang halaman nitong hindi pa niya napapalitan.
"Sige, Tita. Ingat po kayo." Kinindatan niya ito at nakakamatay na irap lang ang sinagot nito sa kan'ya bago tuluyang lumarga patungo sa bago nitong chismis target.
At tulad ng nakagawian, pagkaalis ng Tiyahin ay agad niyang binuksan ang malaking bluetooth speaker sa sala at pinatugtog ang paborito niyang kanta. Single Ladies by Beyonce.
Finull volume niya ang speaker bago sumabay sa kanta.
Okay. Let's get it on!
All the single ladies, all the single ladies
All the single ladies, all the single ladies
All the single ladies, all the single ladies
All the single ladiesMuli niyang inapakan ang bunot at sinimulang sabayan ng sayaw ang bawat beat ng kanta habang naglilinis siya. Para sa iba nakakatagal ang paglilinis na may kasamang tugtog pero kabaliktaran iyon para sa kan'ya. Mas nakakabilis ang paglilinis kapag maganda ang beat ng tugtog, lalo na kung mabilis ang beat dahil bumibilis din ang kilos niya. Nakapaglinis na siya, nakapag zumba pa. 2 in 1 na!
"If you liked it then you should have put a ring on it.." Sabay niya sa kanta with todo kendeng and giling habang nagbubunot ng sahig. Nagpaikot ikot siya sa buong sala at feel na feel ang kanta na pinadyak padyak ang mga paa. Hindi siya dancer pero kaya niyang paghaluin ang iba't ibang dance genre sa iisang sayaw. Mula hiphop to jazz in one performance.
"Wo oh ohh oh oh ooh!" Full energy niyang pinump ang dibdib kasabay ng beat at lyrics ng kanta. Sinubukan niya ding magtwerk pero otso otso lang talaga ang afford niyang gawin. Dinaan niya na lang sa hiyaw at pitik ng katawan.
Masaya talaga kapag mag- isa sa bahay dahil nagagawa niya ang kung ano mang trip niyang gawin. Buti na lang talaga laging wala si Mia at ang Tiya niya sa bahay kaya malaya siyang magbaliw baliwan. May kalayaan siya ngayon mag enjoy sa paglilinis.
Ngunit bigla siyang natigilan nang makarinig ng halakhak sa likuran niya. Gulat siyang umikot paharap dito.
"Tangina?!" Gulantang na bulalas niya nang makita si Nicolo na prenteng nakaupo sa couch nilang luma at may punit punit na. Aliw na aliw itong nakatingin sa kan'ya at ang lakas pa ng tawa.
"Kanina ka pa ba d'yan!?" Sa isang iglap ay tinamaan siya ng hiya. Punyemas. Malamang kanina pa siya nito pinapanuod habang nag- aala Beyonce siyang magperform dito sa sala.
"H-Hindi ko- HAHAHAHA- alam—" hindi ito makapagsalita ng diretso sa sobrang tuwa. Halos magpagulong gulong na ito sa upuan dahil sa walang pasidlan na pagtawa. Lalo namang namula ang mukha niya sa hiya. Putragis! Gusto na lang niya maglaho ng parang bula sa harapan nito!

BINABASA MO ANG
Chase Me
Genel KurguAll things happened so unexpectedly. She met him, got to know him and slept with him. She thought she finally found the man she would lend her heart and spread her legs. But a twist was bound to happen. She discovered everything she saw and felt wa...