Chapter 51

3K 106 20
                                    


"So, hindi lang pala ikaw ang broken hearted?" Napalingon si Avria sa lalaking prenteng nakaupo sa passenger seat nang magsalita ito. She was driving.

"Huh?" What does he mean?

Ren gestured the backseat. Sinundan niya saglit ang itinuro nito and she chuckled upon realizing what he meant. Nasa backseat nga pala si Mia na ngayo'y bubulong bulong ng mga salitang hindi nila maintindihan. Nakatihaya ito sa upuan at nakatalukbong ang buhok sa mukha. She's so wasted.

Buti na lang hindi siya naglasing kundi kawawa sila pareho. Baka sa kangkungan sila pulutin.

"Hindi nga ako broken hearted. Siya lang." Tukoy niya kay Mia.

Biglang bumangon si Mia na kinagulat nilang pareho ni Ren.  "Shinong broken?! Mga yawa kayo! Am not broken hmmp! Wala na akong pake kay Dylan!!!" Tili na sigaw nito sa kanilang mga tainga.

"Insan, wag ka manggulat! Nagmamaneho ako." Asik niya at itinulak ito pabalik sa upuan gamit ang isa niyang kamay. Napahiga ulit ang babae at tumuloy sa pagbulong ng kung ano ano.

Si Ren naman ay napahawak sa dibdib at napamulat dahil sa gulat. Hindi nila inasahan ang makabasag tainga na tili ni Mia. Gustong mapatampal sa noo ni Avria sa kahihiyan. Hindi ito ang unang beses na uminom si Mia pero ngayon niya lang nasaksihan kung paano ito maging maoy sa kalasingan. Nakakahiya ampota.

"DYLAN KO!" Napapiksi sila nang bigla na namang bumangon si Mia. Malakas siyang napasinghap nang sinunggaban nito si Ren.

"Miss! Miss! Hindi ako si Dylan. Ako lang to, si Ren." Tarantang awat ni Ren sa babae at pilit nilalayo ang nakangusong mukha ni Mia.

"DYLAN KO!!! AKO TO SI FLOWER MO!!" Hysterical na sigaw ni Mia at ininguso ng todo ang mga labi habang pilit na isinisiksik ang sarili sa lalaki.

"Tangina ka talaga, insan! Tumigil ka nga hindi siya si Dylan!" Nalilito na si Avria kung anong gagawin. Daling itinabi niya muna ang kotse sa tabing kalsada bago umawat sa pinsan. Sa kan'yang pagkataranta ay sa leeg niya nahawakan si Mia.

Kandaubo ubo ang babae.

"Dy—hik-lan.. acck!!" Hinampas hampas ni Mia ang braso niya nakapulupot sa leeg nito. "Pisti—acck! Avria!"

Binitiwan naman niya ito at muling itinulak sa backseat.

"Dyan ka lang,. Insan. Behave!"

"MAMATAY KA NA.." Nanglilisik ang mga nitong sigaw sa kanila. Ngunit unti- unti rin itong napasandal sa upuan at lupaypay na napahiga. "Dylan.."

Tuluyan nang nakatulog si Mia.

Sabay silang napabuga ng hangin ni Ren. Both relieved.

"Pasensiya ka na sa pinsan ko. Matino naman talaga yan. Naparami lang ng inom. "She awkwardly apologized to Ren.  She started the engine and drive again.

Sinusumpa niyang hindi na sasamahan si Mia sa pag- inom ng alak.

"Okay lang." He laughed, full of humor. "Mukhang sawing sawi siya sa pag- ibig ah. Ano ba yan? Niloko, iniwan o ghinost?"

Natawa rin siya sa tinuran nito.
"All of the above?"

"Ang saklap naman nun." Anas ng lalaki at bumaling sa kan'ya. "Eh ikaw?"

Luh?

"Hindi nga ako broken hearted." Giit niya. Duh. Nakakabroken ba yung pinakasalan ka tapos may pinakasalan pang iba tapos nagmigrate sa States at hindi na nagpakita?

Hindi naman masakit. Parang kagat lang ng dinosaur.

"E bakit iniisip mo siya?" Biglang tanong nito na nagpamaang sa kan'ya. Saglit na tinignan niya ang lalaki at ibinalik rin agad sa daan ang mga mata. Seryoso ang ekspresyon ng mukha ni Ren habang matamang  nakatingin sa kan'ya. And his taunting green eyes are making her in panic.

Chase MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon