Chapter 40

7.5K 290 110
                                    

"This garden belongs to Geneva. Isa lamang itong bakanteng lupa noon ngunit nang maikasal kami ng Mamà mo ay pinaganda at pinalago niya ang lupang ito. Ginugol niya ang siyam na buwang pagbubuntis sa'yo sa pagtatanim sa hardeng ito."

Nasa ama ang buong atensyon niya habang nagkekwento ito sa kan'ya. Kalmado ang itsura nito ngunit ramdam niya ang bigat ng bawat kataga nito.

The sun just arose and she asked him to accompany her in their flower garden. Naisip niyang malapit na ang death anniversary ng Mamà and she wants to know her kahit sa mga kwento man lang.

And she's taking this chance as a start to talk and fix things between her and her father.

"She love nature. Natatandaan ko pa noong kabataan namin ay mahilig siyang sumali sa mga planting programs. Minsan niya na rin akong naisama."

Gumuhit ang maliit na ngiti sa labi ni Don Antonio sa pag- alala ng yumaong asawa.

"Nakakatuwa dahil kahit wala na siya ay pinanatili ng hardeng ito ang buhay ng lumang mansyon." Diretso ang tingin ng Don sa malawak na harden. Pareho silang nakatayo sa teresa.

"Kaya siguro magaan ang pakiramdam ko sa tuwing nakikita ang mga halaman dito. Si Mamà pala ang nagtanim sa mga halaman." Napangiti siya. The sight of the garden is relaxing, a great comfort.

Malalim na napabuntong hininga ang Papà kaya muli siyang napatingin dito.

"I could still feel her presence here.." mahinang anas nito.

"Papà.," hinawakan niya ang balikat nito. Nilunok niya ang mga pag- aalinlangan. "Siguradong masaya si Mamà ngayon na magkasama na tayo."

She doesn't know if her words were the right words to say. Lalong lumungkot ang mga mata ng Don. Seryoso at matayog ang tindig nito ngunit naglalaro sa mga mata ang lungkot, pangungulila at panghihinayang.

"We will surely be happier if she's here with us.."

Hindi siya nakaimik, hindi alam kung anong tamang sabihin. Ganon din kasi ang nasa isip niya. All her life she's seeking for a mother's love. She has always wondered how it feels like to have a mother taking care of you. Kuntento siya sa kung paano siya pinalaki ni Tita Agnes pero iba pa rin ang kalinga galing sa tunay na ina.

But she wasn't given a chance. Huli na siya. Wala na ang Mamà.

She was left wondering how does it feel to be loved by a mother. Siguradong kung paano gumanda ang harden na ito ay ganun din kaganda ang pagpapalaki ng Mamà sa kan'ya.

Napahawak siya sa umuumbok na niyang tiyan. It will be hard for her to raise a child, wala siyang alam kung paano maging ina. But one thing is for sure, she would love her child more than anything else.

"Kung nandito siya, maalagaan ka niya ng tama. Malalaman niya agad ang gagawin at ibibigay sa'yo."

"You dare doing well, Papá." Agad niyang alma. "You have treated me right in my two weeks of living here. Hindi ka nagkulang o nagkamali. Sobra sobra pa nga po ang ibinigay mo sa'kin."

Napatingin sa kan'ya ang Don, bakas sa mukha ang bahagyang pagkagulat at supresa. She gave him a soft tender smile.

"Hindi ko naabutan si Mamá pero maswerte pa rin ako dahil nandyaan ka Papá. May magulang pa rin akong masasabi kong akin at nakakasama ko."

Don Antonio was deeply touched by her words, ayon na din sa reaksyon nito. He become speechless and after a sec, he offered her his arms for an embrace.

Ngumiti siya at niyakap ito. Her father instantly wrapped his hands around her back and planted a loving kiss on her forehead. Her heart warmed with that gesture. It felt good to be in her Father's arms. Nangilid sa luha ang mga mata niya. Meeting him, being accepted by him and being with her father is like a dream come true for her. Parang isang impossibleng pangarap iyon sa kan'ya noon na naging possible ngayon.

Chase MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon