Warning: SPG
"Ang aga mo 'ata ngayon."
Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang unang sumalubong sa kan'ya sa pinto ang kan'yang Tiyahin na tulad ng laging OOTD nito ay naka rollers ang buhok at nakasuot ng bestida habang nakapamewang sa kan'ya.
"Tita ginulat mo naman ako." Sabi niya at napabuga ng hangin. Nagiging praning na siya nitong mga nakaraang araw dahil hindi na talaga siya tinantanan ni Nicolo. Parang nakadikit ang mga mata nito sa kan'ya at kahit saan siya magpunta nasusundan pa rin siya ng hudas.
"Wala po akong OT ngayon, 'Ta." Aniya nang makahuma sa gulat. Pagkapatak ng pagkapatak pa lang ng 8pm ay nag alsa balutan na siya ng gamit at nag-out sa opisina. Bukod kasi sa wala siyang trabahong ginawa ay buong araw lang siyang pinagtripan ni Nicolo. Nariyan ang maya't maya nitong pagpapatawag sa kan'ya at kung ano ano pa ang pinapagawa para lang manyakin siya. Parang hindi nga rin nagtrabaho ang lalaki dahil napakadami nitong oras para gumawa ng kalokohan. Kaya kahit wala siyang ginawa sa trabaho ay feeling niya pagod na pagod siya.
Humalukipkip ang kan'yang Tiyahin.
"Bakit hindi ka umuwi kagabi?" Tanong nito na kinatigil niya. Napakagat labi siya sa tensyon dahil mausisa siya nitong tinititigan. Hindi naman iyon ang unang beses na hindi siya umuwi dahil kadalasan ay sumasama siya sa mga kaibigan mag- overnight, pero iyon ang unang beses na hindi siya nagpaalam sa Tiyahin. Kahit kasi wala itong pakialam sa kan'ya ay nagpapaalam pa rin siya rito.
"Alas singko kana umuwi. Saan ka nanggaling?" Istriktong tanong nito na bahagya niyang kinagulat. Hindi niya inaasahang uusisain nito ang mga pinaggagawa niya. Kadalasan naman ay wala itong imik sa tuwing nagpapaalam siyang hindi makakauwi ng maaga.
"Ahh ehh.. ano kasi Tita-"
"Ikaw ba Avria ay may boyfriend na?" Putol nito sa kan'ya bago pa siya makaisip ng palusot. Mas lalo naman siyang nagulat.
"Ho? Bakit mo naman natanong Tita?" Takang tanong niya. Mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha nito at umiwas ng tingin sa kan'ya.
"Kumain ka na dun sa kusina." Biglang sabi nito. Napangiti naman siya.
"Uyy si Tita may care na sa'kin." Tudyo niya dito. Napasimangot ito at mataray na tumingin sa kan'ya.
"Tambak ang hugasin dun dahil hindi ka nakapaghugas kagabi at kaninang umaga, kaya dalian mo na d'yan at nilalangaw na ang mga hugasin mo." Singhal nito sa kan'ya bago siya nilayasan.
Toinks. Akala naman niya nagkaroon na ng himala sa mundo at nagkaroon na sa wakas ng pakealam sa kan'ya ang Tiya niya. Makikichismis lang pala ito.
Napailing na lang siya bago tumungo sa kusina para kumain. Sa kabutihang palad ay may ulam at kanin pang natira para sa kan'ya. Isang prinitong isda at laswa.
Habang kumakain ay wala sa sariling napatingin siya sa tinidor na hawak. Biglang sumagi sa isip niya ang ginawa ni Nicolo sa restaurant. Hindi niya makalimutan ang sensasyong pinaramdam nito kanina gamit lang ang tinidor nito. Kahit ang simpleng ngisi at kapilyuhan na makikita sa mga mata nito ay nakakaakit na para sa kan'ya. She already gave up her innocence and instead of feeling disgusted and such, she felt even more attracted to him. Tila mas lumakas pa ang init na lumulukob sa kan'ya ng katawan, at hindi iyon maganda para sa kan'ya.
Nicolo, despite of all his foolishness and naughtiness, he was a man of attraction. He's a whole package, almost perfect. Dumagdag pa sa lebel nito ang pagiging sobrang yaman nito sa murang edad. He's capable, stable and smart. Lahat ng babae talagang magkakandarapa rito, kaya sino ba naman siya? Isa lang siyang dukha na walang narating sa buhay kundi ang pagiging sekretarya.
BINABASA MO ANG
Chase Me
قصص عامةAll things happened so unexpectedly. She met him, got to know him and slept with him. She thought she finally found the man she would lend her heart and spread her legs. But a twist was bound to happen. She discovered everything she saw and felt wa...