Kinabukasan ay occupied pa rin ang isip ni Avria tungkol kay Mia. Iniisip niya kung paano makakabawi dito. Hindi siya magpapatalo sa pinsan. Dapat may gawin din siya.
"Ang lalim ng iniisip mo. Ako ba yan? Wag ka mag- alala, iniisip din kita."
Bumalik siya sa kan'yang diwa at napatingin kay Nicolo na nakaupo sa dulo ng kanyang office table at pinapanuod siya. She unconsciously got dazed in the middle of work.
"No, it's not you." Simpleng sagot niya at muling bumalik sa pagbabasa ng ilang financial report.
"Oh.. " Sumeryoso ang mukha ni Nicolo. "Sinong iniisip mo? Si Hanzo ba?"
"Ba't ko naman iisipin yung kapatid mo?" Tinignan niya ang lalaki at tinaasan niya ito ng kilay.
"I don't know. Why would you think of him?" Balik na tanong naman ni Nicolo.
Napakunot ang noo niya sa lalaki. Ang seryoso kasi ng boses nito. Hmm, he did not really change at all huh. Seloso pa rin ang hudas.
"Galit ka ba?" She asked casually.
"Hindi. Nagtatanong lang." Simpleng sagot nito. ".. I'm aware na lagi siyang nandito para sayo. He helped you raise Azilian.. Siya yung kasama mo nung wala ako." Mahinang anas ni Nicolo.
"He was here for you though." Saad niya.
"I know." Nagbaba ito ng tingin at umiwas sa kan'ya. Gusto niyang matawa sa itsura nito. Bahagyang salubong ang kilay ng lalaki at nakasimangot. Pamilyar sa kan'ya ang ganoong ekspresyon ni Nicolo. Halatang nagseselos ito pero kinokontrol lang ang sarili.
Baliktad na talaga sila ngayon. Si Nicolo na ang over thinker at madaling magpanic. Conscious ito sa lahat ng salita at ginagawa. Natatakot magkamali.
"Hindi lang naman siya yung tumulong sa'kin. Si Wesley din naman, naging part time baby sitter pa nga yun ng anak mo." Dagdag niya para naman hindi ito madepress. Mukha nang kawawa e.
"So it's Wesley then? You were thinking of him?" Tanong nito na pilit kinokontrol ang emosyon. He remained calm and composed but seeing his knuckles tells the otherwise.
Napabusangot siya. Ang gwapo pero slow. Can't he tell she's trying to calm him down?
She heard him heaved a sigh.
"I'm sorry. The truth is I'm jealous of them being here with you when I couldn't. I know I shouldn't feel this way, it's all my fault because I left." Wika nito sa seryoso ngunit mapakumbabang boses.
She placed the folder she's holding on top of the table and rested her back to her chair. Humalukipkip siya habang hindi napuputol ang tingin sa lalaki.
"No, it's not Hanzo nor Wesley. I was thinking about Mia." She told him honestly.
Sa kan'yang sinabi ay naging malumanay ang ekspresyon ng mukha nito. Napirmi ang nanggigigil nitong kamao. She secretly commended Nicolo's self control. Mas nakokontrol na nito ang sarili kumpara noon.
"What about your brat of a cousin?" Tanong ni Nicolo nang kumalma.
"Iniisip ko lang kung paano ako makakabawi sa kan'ya. Dami ko nang utang kay Mia." Paliwanag niya at muling napaisip. Wala siyang ibang maisip na magandang pambawi sa pinsan. Bukod sa panglalait ay pera lang lagi ang bukambibig nito. She just realized she didn't really know what Mia likes and dislikes. Noon kasi ay pera lang talaga ang binibigay niya sa dalaga.
Tumuon uli siya kay Nicolo. "Nasaan ba kasi si Dylan?"
Natigilan si Nicolo sa naging tanong niya. Saglit itong natahimik habang nakatitig sa kan'yang mukha. His stares didn't failed once to make her feel uneasy and tensed. Sa tuwing tititig ito ay kakaiba ang hatid na pakiramdam ng mga matang iyon sa kan'ya. He always had that dark hypnotizing eyes that could melt anyone's knees.
BINABASA MO ANG
Chase Me
Fiction généraleAll things happened so unexpectedly. She met him, got to know him and slept with him. She thought she finally found the man she would lend her heart and spread her legs. But a twist was bound to happen. She discovered everything she saw and felt wa...