Ilang oras na ang lumipas simula nang umalis si Nicolo sa opisina at ganun katagal na din siyang nakatunganga sa kan'yang table dahil wala naman itong iniwang trabaho sa kan'ya. Mabilis itong umalis kanina matapos ipaalam ni Wesley na may taong naghihintay dito sa labas ng opisina at nais itong makausap. Gusto niya sanang makita ang taong bumisita rito ngunit mariin nitong ibinilin sa kan'ya na manatili siya rito sa loob at hintayin ang lalaki hanggang sa makabalik ito."Hays, ang boring." Bagot na saad niya at ibinaba ang cellphone. Kanina pa siya palipat lipat sa FB at IG niya, marami na din siyang na- ishare na memes at halos mapuno na ang storage niya sa kakaselfie ngunit hindi pa rin bumabalik si Nicolo.
Napabuga siya ng hangin at tumayo sa upuan. Hindi naman siguro masamang lumabas muna siya at maghanap ng mangangatngat habang hinihintay ito. Ngunit saglit siyang napatigil nang dumako ang tingin niya sa ibabaw ng kan'yang table. Sumagi sa isip niya ang nangyari sa kanila kanina. Kawawang lamesa. Kebago pa lang pero nakuha na rin ang kainosentehan.
Mahina siyang humagikhik bago tuluyang lumabas ng opisina. Pagkalabas ay una niyang nakita si Wesley, na siyang pumalit sa pwesto niya. Nakasandal ito sa swivel chair at nakahalukipkip habang nakatingala ang ulo at payapang natutulog. Nakasuot ito ng white tshirt na pinatungan ng black tuxedo, naka ankle length pants at white rubber shoes. Taliwas sa suot nito nung una niyang makita na tinodo sa kapormalan ang get up. Mukha itong tipikal na lalaking studyante na hindi marunong sumunod sa proper uniform. Itsurang pa heartthrob.
Nagkibit balikat na lang siya at tumuloy sa paglalakad papunta sa pantry ng kanilang floor. Bago makarating ay nadaanan niya pa ang mga ka officemates niyang panay ang sulyap at paglalaway sa natutulog na lalaki. Napailing na lang siya.
Saktong walang tao sa loob ng pantry kaya malaya siyang magbutingting ng mga pagkain. Inuna muna niyang magtimpla ng kape.
"Blooming ka ngayon ah. Mukhang nakajackpot."
Bumaling siya sa kan'yang likod nang may magsalita galing roon. Nakita niya si Kyla na kakapasok lang sa loob ng pantry. Muli siyang tumuon sa tinitimpla at hindi ito pinansin.
"Ay ganun. Snob kana, Avria." Lumapit ang babae sa kan'ya at sumandal sa katabi niyang sink. "Ganyan ka ba porket malakas na ang kapit?"
Kunot noo niya itong tinignan. "Hindi kita maintindihan."
"Sus," may kalakasan nitong tinapik ang balikat niya, "Relate naman ako sa'yo, sis. Wag na tayo magkahiyaan."
Lumalim ang kunot sa noo niya. Ano bang pinagsasabi nito? Kung makapagsalita ang babae akala mo close na close sila, parang ngayon nga lang siya nito pinagtuunan ng pansin sa isang taong pagtatrabaho niya sa kompanya.
"Hindi pa rin kita maintindihan. Ano bang kailangan mo sa'kin?" Tanong niya rito. Maarte at peke naman itong tumawa.
"Gusto ko sanang itanong kung open ba si Sir Azrael sa— alam mo na.. threesome?" Nanlaki ang mga mata niya sa tinuran nito. Huta, iniisip ba nitong nilalandi niya si Nicolo para perahan ito o maging parausan ng lalaki? At talagang tinatanong nitong si Hailey Parrot sa kan'ya kung pwede ito makisali?
"Biro lang, damot ah." Agad na bawi nito nang makitang sumama ang mukha niya.
"Gusto ko lang talaga humingi ng tips sa'yo. Parang expert na expert kana kasi. Wala pang isang linggo natuhog mo na." Anito na lalong nagpalukot sa mukha niya.
Correction lang ah, siya ang tinuhog ni Nicolo. Siya ang nilandi at hinabol habol. At isa lang siyang pinagpalang babae na marupok kaya naibigay niya dito ang bataan pero hindi niya binigay ang sarili dahil lang sa mapera ang lalaki. Ang kapal lang ng mukha ng babaeng 'to humingi ng tips sa kan'ya kahit ito naman talaga ang tunay na expert sa kalandian.
BINABASA MO ANG
Chase Me
General FictionAll things happened so unexpectedly. She met him, got to know him and slept with him. She thought she finally found the man she would lend her heart and spread her legs. But a twist was bound to happen. She discovered everything she saw and felt wa...