Chapter 57

531 12 3
                                    

Three months passed like a blur. Tuluyan na siyang naka adopt sa pamamahala ng Hacienda. Nasasanay na siya sa daloy ng kan'yang trabaho and it gets easier dahil todo alalay sa kan'ya ang kan'yang gwapong secretary slash manliligaw slash co- parent niya kay Azi. 

Nicolo has been consistently wooing her. Walang mintis ang pagbibigay nito ng kung ano ano sa kan'ya. Nang halos mapuno na nito ng crocheted flowers and opisina niya ay lumipat naman ito sa pagbibigay ng love letters araw araw. Cringe and cliche pero natutuwa naman siya basahin ang sulat kamay nitong love letters. He would write how much he loves her, gave cheesy lines and of course, mawawala ba naman ang mga kalokohan at kapilyuhan nito? Syempre hindi. 

Hindi rin ito pumalya sa pagluluto ng pagkain para sa kanila ni Azilian. Determinado matuto si Nicolo at in fairness, may silbi rin talaga ang tatlong tauhan nito dahil masasarap ang inihahain sa kan'ya ng loko. Feeling nga niya tumaba siya sa kakakain. 

Kaya naman nang dumating ang 2nd birthday ni Azi ay isa ito sa talagang nagluto ng mga handa. Nicolo planned a party open for all the workers and children inside their Hacienda. Imbitado ang lahat ng kanilang trabahor, magsasaka at pati ang mga anak nito. Maraming inihandang games and rewards para sa mga bata at matanda. Sa malawak na harden idinaraos ang handaan. Dahil hindi makapili si Nicolo ng theme ng party ay halo halo tuloy ang naging tema. May cocomelon, Paw Patrol, Blippi, Boss Baby at pinuno nila ng mga laruan ang buong paligid para mayroong pwedeng laruin ng mga batang bisita. May mga mascots din ng nasabing themes. May kinuha rin silang clowns and magicians to entertain the guests. 

And wag ka, isa sa magicians ay si Wesley. Bored na naman yata at naisipang mag magician.

Nakuha nila ang mga ideyang ito mula sa kanilang pamilya at mga kaibigan. Mas malaki pa nga ang handaang ito kumpara sa unang kaarawan ni Azilian. It's really different dahil nandito na si Nicolo and he worked hard to make this day perfect. 

"Happy birthday, baby ko! I love you!" Avria kissed both of Azi's cheeks. Her son giggled and kissed her lips. 

"I wuv wuv, Mommy!" He yelled and hopped his legs. Katatapos niya lang ayusan at bihisan ang anak. He's wearing a black suit na katulad sa The Boss Baby. Maayos na nakasuklay ang chin length nitong buhok. 

He's so cute and handsome!

Kamukha ng Daddy.

Speaking of Daddy, nakapagbihis na silang dalawa ni Azi pero nasa kusina pa rin si Nicolo at busy sa pagluluto.

"Let's go to your Daddy. Let's show him your suit. Ang pogi pogi ng baby na yan." Pinanggigilan niya ng halik ang pisngi nito na lalong kinahagikhik ng anak. She carried him and they went outside their room. 

Bumaba sila ni Azilian at tumungo sa kusina kung saan busy ang lahat. Naroon ang Tita Agnes niya, si Papa, si Mia, Si Ade, Dudoy at Nunoy at ang kanilang boss na si Nicolo. Katulong rin ng mga ito si Manang V na kanilang mayordoma at ilang mga kasambahay. 

Sila Lexi, Vanna at Hanzo naman ay nasa harden at inaasikaso ang mga bisita. 

"Daddy! Papa lolo!" Tawag ni Azi sa ama at lolo. 

Doon lang sila napansin ng mga tao sa kusina. Nicolo, who was very engrossed in slicing onions, looked up to them. Seryosong seryoso ang mukha nito ngunit agad na umaliwalas nang makita sila ng anak. 

"Wow! Ang gwapo gwapo naman ng apo ko. Halika muna kay lolo." Her Papá approached them. Kinuha nito si Azilian mula sa kan'ya at agad na ibinida kila Tita Agnes at sa mga kasambahay nila. Sunod sunod ng mga itong binati ng Happy Birthday ang bata.

"Hey, Ma'am. You looked damn gorgeous. Wag ka na lang kaya lumabas at baka may mabaliw sa ganda mo?" Bungad sa kan'ya ni Nicolo habang nagpupunas ito ng kamay. Hinubad nito ang suot na apron bago lumapit sa kan'ya. Admiration is evident in his eyes while looking at her. 

Chase MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon