Chapter 27

8.6K 307 51
                                    


"Nicolo, nasaan kana ba?" Nag- aalalang tanong niya habang nakatitig sa kan'yang cellphone. Pasado ala- una na ng gabi ngunit hindi pa rin bumabalik si Nicolo. Umuwi na siya dahil siya na lang halos ang naiwan sa kompanya at pumunta na lang sa bahay nito, nagbabakasakaling nauna na itong umuwi pero wala rin dito ang lalaki. Nilunok niya na ang hiya at sinubukang tawagan ang number nito pero walang sumasagot sa linya.

Kanina pa siya paikot ikot sa sala ng bahay nito. Nag- aalala na siya kay Nicolo. Hindi siya sanay na ganito ito katagal mawala sa paningin niya dahil magmula ng magkakilala sila ay lagi na itong nakadikit kay Avria.

Ano bang nangyari sa lalaki?

"Di kaya may nangyari nang masama dun? O baka binalikan na naman siya ng tatlong ulupong na 'yun?" Napahawak siya sa noo nang manakit ang ulo niya. Nahihilo siya sa sobra sobrang pag- alala lalo na't hindi nito sinasagot ang mga tawag niya.

Gustong gusto niya na malaman kung nasaan si Nicolo pero wala naman siyang kilala na pwedeng pagtanungan tungkol dito. Kasama nitong umalis si Wesley at tulad ng lalaki, hindi rin ito bumalik sa opisina. Si Hanzo naman ay nasa Macao pa rin.

Konti na lang maiiyak na si Avria. She's so upset and worried. Nakakabaliw palang mag- alala nang walang malapitan o mapagtanungan kung nasaan ang lalaki. Naiirita siya na hindi man lang nito naisipang itext o tawagan siya para iinform siya. She knows they don't have an official status pero ano ba naman 'yung i- update man lang siya nito para hindi siya nag- aalala ng ganito.

Umupo siya sa sofa at napahilamos sa mukha. Lalong lumala ang pagkahilo niya ngayon. Pero hindi siya aalis doon hanggat hindi nakikita ang lalaki. Hindi siya matatahimik hanggat hindi nalalamang ligtas ito.

Bigla siyang napatuwid ng upo nang marinig ang paggalaw ng siradura. Mabilis siyang tumayo nang bumungad sa kan'ya si Nicolo pagkabukas ng pinto.

"Nicolo!" She rushed to hug him. Nakahinga siya ng maluwag. Sa wakas ay nakabalik na rin ang lalaki. Pero agad siyang napalayo rito nang mairita ang ilong niya sa lakas ng amoy ng alak sa damit nito.

"Uminom ka?" Tinignan niya si Nicolo at napakunot noo nang makitang blangko lang ang mga mata nito habang nakatingin sa kan'ya.

"What are you doing here?" Pati ang boses nito ay walang emosyon.

"Hinihintay kita.." humina ang boses niya. Hindi siya komportable sa malamig na ekspresyon ng mukha ng lalaki. 

"Go home now." Anito at basta na lang siyang nilagpasan.

"T-Teka.." hinawakan niya ang braso nito para pigilan sa paglalakad. "..may problema ba?"

Hindi ito sumagot o lumingon. Nanatili itong nakatalikod sa kan'ya ngunit gayunpaman ay ramdam niya ang kawalang emosyon ng lalaki. Walang kabuhay buhay ang kabuuan nito.

"S-Saan ka galing? Nag- inuman ba kayo nung mga kasama mo? Sana sinabihan mo 'ko." Hindi pa rin ito umimik. Gusto niyang makita ang mukha ni Nicolo pero natatakot siyang humakbang palapit rito. Nanlalamig ang kamay niya na nakahawak sa braso nito.

"Go home now, Avria." Pinabibigat ng malamig na boses nito ang dibdib niya. Sa isang iglap, parang hindi niya na ito makilala. He was cold and void, and the way he called her name was not the same as before. Hindi niya makita sa lalaki ang Nicolo na kasama niya kanina bago ito umalis.

"May nangyari ba? Ayos ka lang ba?"

"Umalis ka na." Napakurap siya sa sinabi nito pero pinilit niya ang sariling wag magpaapekto. Baka may pinagdaraanan lang ito at mas higit siyang kailangan ni Nicolo ngayon.

"Kung may problema ka, handa akong makinig." Malumanay na saad niya.

Ngunit imbis sumagot ay tinanggal lang ni Nicolo ang kamay niya sa pagkakakapit sa braso nito. Hindi ito nag- abalang harapin siya na mas nagpapabigat ng dibdib niya. Parang may mabigat na bagay ang dumagan sa kan'ya dahil sa inaakto nito. Ito ang unang beses na umakto si Nicolo ng ganito sa kan'ya.

Chase MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon