Chapter 11

14.4K 389 18
                                    


"Uuwi na 'ko." Aniya habang bagot na pinapanuod si Nicolo na tamad na nilalaro ang baso ng alak sa kamay.

"Mamaya na." Sambit nito bago inisang tungga ang alak.

"Kailan ba 'yang mamaya mo? Kanina mo pa sinasabi 'yan ah." Bumuntong hininga siya at humalukipkip. Kasalukuyan silang nasa counter table ng kusina ni Nicolo. Nakaupo sila  at magkaharap sa isa't isa. Umiinom si Nicolo at siya naman itong mariing tumatanggi sa bawat alok ng lalaki sa kan'ya. Kanina pa tahimik si Nicolo at nagsasalita lang ito para alukin siya uminom.

"Late na at maaga pa ang trabaho ko bukas. Kailangan ko na umuwi." Giit niya ngunit walang pakialam na umiling lang ang lalaki. Napatiiim bagang siya sa inis. Kung tutuusin ay hindi naman niya kailangan pang magpaalam dito pero dahil likas itong hudas, ni lock na naman ang pinto palabas.

"Wag ka mag- alala, hanggat nandito ako hindi ka malelate." Sambit nito habang sinasalinan ng alak ang baso.

"Inom ka na." Muling alok nito at mariin siyang umiling.

"Ayoko." Madiing tanggi niya.

"Sige na, tayo tayo lang naman e’." Mas lalong sumama ang mukha niya.

"Ayun nga e’. Tayo lang ang nandito kaya hindi talaga pwede."

"Bakit? Takot ka?" Mapaglaro itong ngumisi bagaman naroon pa rin ang kaseryosohan sa mukha. Kanina pa siya hindi komportable dahil napakaseryoso ng awra nito. Hindi niya talaga maintindihan ang bilis ng mood swings ng lalaki. Nagiging pilyo at maligalig ito at sa isang iglap ay babalik sa pagkaseryoso.

"Bakit naman ako matatakot?" She tried to stay composed while she meet his dark gazes.

"Bakit ka nga ba matatakot? Ano bang kinatatakutan mo?"

"Hindi ako takot." Maagap na sagot niya.

"Then drink with me. We both had a long day so we deserve this drink." Anito. Bahagya namang napakunot ang noo niya. She saw something flickered in his eyes. Saglit itong nanamlay at sa klase ng pagkaseryoso nito, mukha ngang dumaan ito sa nakakapagod na araw.

She wonders why.

"Okay ka lang ba?" Pareho silang natigilan sa tanong niya. She didn't mean to sound so concern but it came out that way. Mukha ring hindi nito inaasahan ang tanong niya.

"Do I look like I'm not?" Kaswal na tanong nito matapos makahuma sa pagkakagulat at muling uminom. Wala sa sariling natuon ang mga mata niya sa pag- alon ng adams apple ng lalaki. It looks so sexy and manly. Lihim siyang napalunok at madaling iniwas ang tingin palayo rito. Napako ang tingin niya sa bote ng beer sa ibabaw ng mesa.

"You look bothered.. and problematic." Humina ang boses niya. That's true. Mula nang makapasok sila sa bahay ng lalaki ay humilatsa na sa mukha nito ang pagod at halo halong emosyon. Kahit kontrolado nito ang sariling ekspresyon, she can feel the gloominess of his aura.

Perks of having loads of problem in her every day life. Madali sa kan'yang makaramdam ng mga taong dumaraan din sa problema dahil mismong siya ay laging problemado. She knows the feeling better.

"We all are problematic." Umangat ang mga mata niya patungo kay Nicolo.

"That's why we should all be thankful. Blessing 'yun." Sabi niya na agad na ikinakunot ng noo ng lalaki.

"For someone who had been through a lot, that's quite odd." Napakunot ang noo niya pero agad ring napailing sa lalaki. 'Kinilala' nga pala siya nito kaya hindi na kataka- takang alam na nito ang talambuhay niya.

"May pagkakataon bang naisip mo ang buhay mo na walang problema?" Curious na tanong niya kay Nicolo. Hindi ito sumagot pero nanatili itong nakatitig sa kan'ya kaya batid niyang nakikinig ito.

Chase MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon