"Where have you been?"
"Ay hotdog ni Nicolo!" Napakislot si Avria at gulat na tumingin sa direksyon ng kanilang sala. She gulped nervously as she saw Nicolo sitting on a single sofa, facing her direction.
"Nukaba nakakagulat ka naman!" Hinimas niya ang dibdib na kasalukuyang nagkakarera sa bilis ng tibok ng kan'yang puso.
"You weren't here since afternoon. Where have you been?" Ulit nito sa tanong at matipunong tumayo. He started to walk near her, seryoso at walang emosyon ang mukha.
Napalunok ulit siya. Lumikot ang kan'yang mga mata sa paligid.
Bakit sila lang ang tao sa sala? Where are the madlang people? At bakit hindi siya nasabihan na nandito si Nicolo? Akala niya ay buong araw itong abala at hindi makakapunta sa hacienda ngayong araw.
"Avria"
Tila tinutupok siya ng tingin nito kaya wala siyang nagawa kundi ang mapayuko upang maiwasan ang nanunuri nitong mga mata.
Hanggang sa tuluyan nang nakalapit si Nicolo sa kan'ya. She gulped hard and played her fingers. Kingina, kailangan niyang makaisip ng palusot. Pero paano siya makakaisip kung nakakadistract ang bango nito?
"Saan ka galing, Avria?" Mahinahon ngunit seryosong tanong ng lalaki.
"Ahh.. ehh.." isip! Isip!
"Did you meet with Zipporah?"
"Ha? Hindi ah! Ba't naman kami magmemeet ng fiancee mo?" Tanggi niya.
"She's not my fiancee."
"We? Kaya pala nakaset na ang wedding niyo next week?" Napatakip siya ng bibig sa gulat. Shit! Hindi na naman siya nakapag filter ng bibig.
"Is that the reason why you're avoiding me this past few days?"
Tumingala siya sa lalaki. Seryoso pa rin ito pero tila nilulunod siya ng mga mata nitong diretso ang tingin sa kan'ya.
"Hindi naman kita iniiwasan." Mahinang usal niya.
"You're distant." Anito at humakbang muli palapit sa kan'ya. Aatras sana siya ngunit hinagip ng braso nito ang kan'yang bewang. Napahawak siya sa matipunong dibdib ni Nicolo.
"Uh.." lumikot ang mga mata niya, "Nasaan pala sila Papa'? Si Tita? Si Mia—-"
Nicolo claimed her lips, cutting her off from speaking.
Inangkin nito ang labi niya ng puno ng pananabik at pangungulila. And that broke her into tears. She responded and kissed him back with the same intensity.
Seeing him right now, knowing his situation, is tormenting her. Araw araw siya nitong sinusuyo, bumabawi sa mga nagawa nitong kasalanan. Yet, they couldn't settle and be fully happy. Maraming bagay ang humahadlang.
Avria missed the days when all they do is to kiss, stare at each other in his office and make love. Kung pwede lang sana sila bumalik sa umpisa at hindi na mapunta sa ganitong sitwasyon.
Nicolo was the first one to break the kiss.
"I missed you, sugar. Please quit ignoring me." Nagsusumamo ang mga mata nito. At mas sumagana ang mga luha niya.
"Hey, hush now. Why you crying?" Napuno ng pag- aalala ang mga magaganda nitong mata.
Tinitigan niyang maigi ang mga mata ni Nicolo. They were still the same. Attractive and strong, ngunit sa likod nito ay nagtatago ang pagod at takot. She knows and she feels the same.
"Alam na ng ama ni Zipporah ang tungkol satin, hindi ba?" Umiiyak na anas niya.
Bigla itong nanigas at natigilan. Napahikbi siya sa halo halong emosyon.
BINABASA MO ANG
Chase Me
Ficción GeneralAll things happened so unexpectedly. She met him, got to know him and slept with him. She thought she finally found the man she would lend her heart and spread her legs. But a twist was bound to happen. She discovered everything she saw and felt wa...