Tingin sa kanan. Clear!
Tingin sa kaliwa. Clear!
Napabuga siya ng hangin at pilit na kinalma ang sarili. Daig niya pa ngayon ang isang kriminal na nagtatago sa tumutugis sa kan'yang pulis. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya at pinapawisan ng malamig ang kan'yang mga kamay dahil sa nerbyos. Pinakaayaw niya talaga ang eksenang taguan at habulan kahit noong kabataan niya pa. Para siyang mamamatay sa pakiramdam na mahuhuli siya ng humahabol sa kan'ya. Kung magkakatotoo man ang Walking Dead, Hunger Games at World War Z ay paniguradong isa siya sa mauunang mamamatay dahil wala pa mang nangyayari ay inatake na siya sa puso.
Bumuntong hininga siya bago muling humakbang. Pati ang bawat paghakbang niya ay tahimik at maingat sa takot na bigla na lang sumulpot ang hudas sa harap niya at tuluyan na siyang mapabigay rito.
Buong araw siyang binulabog ng mga salita ni Nicolo lalo na ang marubdob na halik na iginawad nito sa kan'ya bago siya nito inihatid sa trabaho. Mas naging mapanganib si Nicolo para sa kan'ya. She can clearly see him being manipulative, controlling and crazy freak. Madali lang para dito ang paikutin at pasunurin siya gamit ang mga salita. Kahit anong pagpapatibay niya sa sarili, sa huli ay natatagpuan niya na lang ang sarili na napapasunod sa mga kagustuhan nito. Kaya naman napagdesisyunan na niyang seryosohin ang paglayo sa lalaki.
Oplan taguan si Nicolo.
Wala siyang pakialam kung nagmumukha siyang praning sa kakalingon at kakatingin sa buong paligid. Dagdag pa sa kaba niya ang napakatahimik na paligid. Nag OT na naman kasi siya at yung OT niya ay OOT dahil over sa overtime kaya gabing gabi na siya ngayon makakauwi. Feeling niya tuloy nasa The Quiet Place siya at si Nicolo ang aswang na kakain sa kan'ya once na nakagawa siya ng ingay.
Ang pinagkaiba lang ay kipay niya ang kakainin.
Bigla siyang napatigil sa paglalakad nang mamataan 'di kalayuan sa kan'ya ang isang pamilyar na kotse. Sumikbo muli ang kaba sa dibdib niya kasabay ng panlalaki ng mga mata niya. Kingina! Sinagad na nga niya ang OT niya para hindi sila magkita ni Nicolo pero mukhang alam na rin nito kung anong oras siya mag-a- out sa trabaho. Tapos hindi pa niya ito stalker sa lagay na 'to huh!?
Nagsimula siyang magpanic at mataranta. Hindi siya pwede maabutan ni Nicolo dahil lalo siyang malulugmok sa atraksiyong nararamdaman niya sa lalaki. Buti sana kung pananagutan siya e' hindi naman. Ito ang lalaking pang Fun Run lang dahil pagkatapos mag have fun, magra- run away naman ito papunta sa ibang kipay. Habang siya at ang kipay niya ay maiiwang na hit and run.
Nilibot niya ang tingin sa lugar at halos mapatili siya sa tuwa nang makitang may kumakaripas na jeep na papunta sa kan'yang direksyon. Agad niya itong pinara at kahit hindi pa ito tuluyang tumitigil ay eksperto niyang tinalon ito papasok sa loob.
"Paandarin niyo na Manong. Dali!" Paranoid na sambit niya. Hindi niya akalaing napakasunurin pala ng driver dahil mabilis rin nitong pinaharurot ang jeep na halos ikasubsob niya sa pinakadulo ng sasakyan. Nauntog pa siya sa bakal.
"Aray!" Mahinang daing niya at hinimas ang ulo.
Hindi na niya ininda ang sakit at mabilis na tumingin sa direksyon ng kotse ni Nicolo. Nakita niyang pumarada ito malapit sa entrada ng building ng pinagtatrabahuan niya at mukhang hindi siya nakita. Nakahinga siya ng maluwag at umayos na ng upo nang masigurong hindi nakasunod ang lalaki sa kan'ya.
"Hay stress." Hinihingal na sambit niya at sinuklay ang nagulong buhok. Hirap na nga siya sa pagcocomute pauwi dinadagdagan pa ng hudas ang problema niya. Nahiya na rin naman siyang magpasundo kay Vanna dahil halos mag aala una na ng madaling araw at baka nakauwi na ito galing duty. Wala tuloy siyang choice kundi mag- adjust sa sitwasyon. Mag- aala ninja moves siya para takasan si Nicolo.
BINABASA MO ANG
Chase Me
General FictionAll things happened so unexpectedly. She met him, got to know him and slept with him. She thought she finally found the man she would lend her heart and spread her legs. But a twist was bound to happen. She discovered everything she saw and felt wa...