"Ay juice ko!" Napahawak si Avria sa dibdib nang makita si Nicolo pagkalabas niya sa banyo. Nakaupo ang lalaki sa ibabaw ng kama niya habang prenteng nakasandal sa uluhan ng kan'yang kama at kaharap ang cellphone nito."Bweset. Ginulat mo naman ako."
Bagot itong lumingon sa kan'ya ngunit agad ding nagliwanag ang mga mata ng mokong nang makita ang ayos niya. Nakabalot lang kasi ng towel ang kan'yang buhok at katawan dahil kakatapos niya lang maligo. Sa lagay na 'to ay maaga na siyang nakapaghanda para sa pagpasok sa trabaho pero mukhang mas maaga ang lalaki dahil naka full outfit na ito.
Bigla tuloy siyang nahiya sa kama niya dahil hindi nababagay sa mamahaling business suit nito ang gusot gusot niyang kama. Tulad ng lagi nitong itsura sa umaga ay malinis na nakatali ang may kahabaan nitong buhok sa likod at looking fresh ang ungas mula umaga hanggang gabi. Sa awra nito ay mas mukha pa itong model kaysa CEO.
Natuon ang mga mata niya sa paa nito sa ibabaw ng kama niya. Nakahinga siya ng maluwag dahil tinanggal nito ang sapatos at tanging medyas lang ang itinira. Buti naman at kahit papaano ay ginalang nito ang dukha niyang kutson.
"God, mine. You've changed my mind. Ayoko na palang pumasok." Sinimangutan niya si Nicolo. Umagang umaga puro kamanyakan na agad ang nasa isip.
"Ano na namang ginagawa mo dito?" Tanong niya at tumungo sa kan'yang orocan para kumuha ng damit. Pero mabilis itong tumayo at nakipagsiksikan sa kan'ya at nanguna pang mangialam sa mga damit niya.
"Ano ba!?" Tinulak niya ito pero hindi nagpatinag ang lalaki.
"Why there's so many blouse and sleeveless tops here? Wala ka bang matinong damit?" Reklamo nito habang iniisa isa ang mga damit niya. Irita siyang humalukipkip sa tabi ng lalaki.
"Matino lahat ng damit ko. Utak mo lang ang hindi."
Binalewala siya nito at nagpatuloy lang sa pagkalkal sa damitan niya. Tangina, magulo na nga ang mga damit niya mas ginulo pa ng ungas.
"What's this?" Inangat nito ang sando strap niya at kunot noong tinignan. "Damit pa ba 'to? Mukha namang basahan."
Nagulat siya nang ihagis nito sa kan'yang mukha ang damit.
"Tapon mo na 'yan o gawin mo na lang pamunas ng pwet." Irita niyang kinuha sa mukha ang damit at sinamaan ng tingin si Nicolo.
"And this skirt? It's too short and thin. Hindi ka ba nakikitaan dito?" Hinagis na naman nito sa mukha niya ang skirt.
"Tapon mo na rin 'yan. Pati ito.. ito rin.. pati ito pa.." lumubo sa pagkainis ang pisngi niya nang sunod sunod na lumanding sa mukha niya ang kan'yang mga damit. Punyeta, napakawalang modo! Mukha bang basket ang mukha niya?
"Ano ba?!" Malakas niyang tinabig ang kamay nito sa pangingialam sa mga gamit niya. "Wag ka ngang mangialam ng gamit ng may gamit. Wag ka ding demanding sa mga susuotin ko. This is my body which means my body, my rules. Di mo ba alam uso na 'yun ngayon?"
"I don't fucking care."
"And I don't fucking care din sa opinyon mo. Hindi mo pwedeng kontrolin ang babae sa kung anong dapat naming suotin. Pare- pareho lang tayong anak ni Lord dito." Aniya at muling inilagay sa orocan ang mga pinagtatapon nitong damit.
"But I'm just protecting you."
Saglit siyang napatigil sa sinabi ni Nicolo. Tila may kumabog na kung ano sa loob ng dibdib niya dahil sa tono ng boses nito. Malalim at seryoso.
"Pano kung mapahamak ka dahil sa damit mo?"
Napabuntong hininga siya bago tinignan ito. Yes, medyo natouch siya sa sinasabi nito (pero ng very very very light lang) ngunit hindi siya sang- ayon sa lalaki.
BINABASA MO ANG
Chase Me
General FictionAll things happened so unexpectedly. She met him, got to know him and slept with him. She thought she finally found the man she would lend her heart and spread her legs. But a twist was bound to happen. She discovered everything she saw and felt wa...