Chapter 46

5.2K 215 51
                                    

EVERYTHING was going smoothly according to her plans. Naging mabilis ang mga pangyayari. Napapayag at napasunod nila si Nicolo sa lahat ng  plano nila, he was really cooperating with her 'abductors' to the point na maglalabas talaga ito ng milyon milyong pera.

Ni walang pagtutol na ginawa si Nicolo sa ginawa nilang pag- uusap ni Wesley (na siyang nagpapanggap na kidnapper niya), he was eager to take her back whatever it takes. Willing itong ibigay ang 500 million na akala mo'y nagbibigay lang ng barya barya.

Avria , on the other hand, was deeply touched. Nakikita niya kung paano nag- aalala si Nicolo para sa kanilang dalawa ng kanilang anak. That even though he's mad at her Papá, nagawa nitong isantabi ang nakaraan para makipagtulungan rito at mailigtas siya.

She was full of hope. Dumating ang araw para sa 'the big show'. Aarte lang siya, iiyak iyak ng kaunti at magpapaawa. Ang chinitong kidnapper with a black mask na lang niya ang gagawa ng salitaan at palitan ng pera, sila Hanzo kasama ang ibang tauhan ni Lady Z ang magbabantay sa dalawa, pagkatapos ng negosasyon ay pupuntahan siya ni Nicolo sa van kung saan siya mananatili para kunin at itakas. Once they have escaped, sasalubungin sila nila Mia, Lexi, Silvanna at Papá (na kan'yang mga supporting actor and actresses) para mas madrama. That will be the starting point for all of them, magsisimula silang lahat sa una. This time, their past will remain to the past and they will restart a new life with a new family.

Nagpapasalamat siya dahil kahit kabaliwan man ito ay suportado siya ng kan'yang Papá, pinsan at mga kaibigan. They are all helping her to make Nicolo choose her. Si Tita Agnes lang talaga ang walang alam, si Hanzo naman ay nabugbog muna bago nasangkot sa plano.

Napangiti siya. Kailangan lang niya magawa ito ngayon ng tama. And everything will be executed as planned.

But the image of her dream family with Nicolo vanished as the place started to be filled with gunshots...

"Nicolo!" Napuno siya ng pag- alala nang marinig ang sunod sunod na putok ng baril. Mabilis na lumibot ang mga mata niya sa labas ng black van kung saan kasalukuyang ginagawa ang palitan ng pera sa loob ng isang abandoned building.

Agad niyang nakita si Serpentina na lumabas mula roon at mabilis na tumatakbo patungo sa kan'ya.

"Anong nangyayari?! Bakit may mga putok ng baril?!" Alalang tanong niya pagkapasok nito sa loob ng van.

"Nothing much naman Miss Ganda. May sudden change of plan lang. Hehe." Alanganing sagot nito at akmang papaandarin ang engine ng sasakyan ngunit mabilis niya itong kinurot sa tagiliran.

"Anong change of plan!? Nasaan si Nicolo ha? Sinong nagbabarilan sa loob?!"

"Ouch! Later ko na explain pagnakaalis na tayo Miss— uy sandaleee!" Tangkang pigil nito sa kan'ya pero mabilis siyang nakalabas ng van. Kahit natatakot ay pikit mata siyang tumakbo papasok sa gusali.

Punong puno siya ngayon ng pagtataka. Malinaw sa plano na walang pisikalan o sakitang mangyayari. She made them swear to her that everyone will be safe. Ginagawa lang naman nila ito dahil pare- pareho nilang alam na hindi nila mapapasunod ng basta basta si Nicolo. They have to push him into his edge, to make him choose her over Zipporah. She's doing this to save and free him from everything that could harm him and their family. Ginagawa niya ito para maayos sila at mabuo ang pamilya niya.

But she didn't see this coming.

Nangilid ang luha niya sa sobrang takot at pag- aalala kay Nicolo. Different images and scenarios she didn't want to think invaded her mind. Hinding hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama kay Nicolo. She expected this day to be different but not like this.

Chase MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon