Hindi pumasok sa opisina si Nicolo. Ni dumaan o magpakita lang sa kan'ya ay hindi nito ginawa. Hindi rin nito sinasagot ang mga tawag at text niya. She has no idea where he could be right now.
Buong araw siyang nakatunganga sa table niya at hinintay ito, ngunit hindi dumating ang lalaki. Wala rin si Wesley para mapagtanungan niya. In a snap, everyone seemed to be out of her sight. Wala siyang ibang magawa kundi maupo at maghintay.
Nakakapanlumo ang nangyayari sa kanila ngayon. Habang tumatagal na wala si Nicolo ay lalo namang bumibigat ang dibdib niya. Ang hirap manghula at mangapa nang mag- isa. Gusto niyang damayan ang lalaki sa kung ano mang pinagdadaanan nito pero ito naman ang lumalayo sa kan'ya. Hindi niya alam kung saan siya lulugar o kung may lugar ba talaga siya. Naiwan siya ditong nalilito, naguguluhan at nag- aalala.
Bumaba ang tingin niya sa kanin at hotdog na pagkain niya sa hapunan. Kaninang alas otso pa niya iyon niluto sa pantry at mag- aalas dyes na lang ay hindi pa rin niya nagagalaw ang pagkain. Maski kasi sa pagkain ay naaalala niya si Nicolo. Sa bawat sulok ng silid ay naiisip niya ang lalaki. Naaalala niya ang bawat ngisi, ngiti at mga kalokohan nito sa araw araw na magkasama sila roon.
"Hay Nicolo.. kumain kana kaya?" Kahit may tampo sa dibdib ay mas nangingibabaw pa rin ang pag- aalala niya sa lalaki.
Napatayo siya sa upuan nang gumalaw ang door knob ng pinto. Bumilis ang tibok ng puso niya sa kaba at pananabik. Ngunit nanlumo siya ulit dahil hindi si Nicolo ang bumungad sa kan'ya.
"Vanna? Anong ginagawa mo dito?"
"Dumadalaw." Sagot nito at dire diretsong naglakad papasok sa opisina. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makaupo ito sa upuan sa tapat ng table ni Nicolo. Prenteng itong sumandal habang nakaharap sa direksyon niya.
"Pano ka nakapasok?" Takang tanong niya. Mahigpit ang security sa gusali at tanging mga empleyado lang ang pwede pumasok, ang mga outsider ay kailangan pa magpa appointment or humingi ng approval sa higher ups bago makapasok sa kompanya.
"Dumaan ako sa pinto."
"Alam ko gaga. Pero hindi ka ba hinarang ng mga sekyu?"
"Tulog sila."
Tumirik ang mga mata niya. "Pinatulog mo?!"
"Luh? Tulog talaga sila pagkadating ko. Hinintay kita sa labas at tinawagan rin kita pero hindi ka sumasagot kaya pumasok na lang ako dito." Nakahinga siya ng maluwag. Hindi ito nagsusuot ng uniporme at laging nakacivilian kaya hindi ito agad makikilalang pulis. Mas mukha pa itong racer sa suot na black tshirt na pinatungan ng brown leather cardigan.
Hanggang ngayon hindi pa rin niya nagegets kung bakit nagpulis ang babae. Ito yung tipo ng pulis na parang naghahanap lang ng thrill sa buhay kaya nagpulis. Minsan ito pa nga ang pasaway.
"So para saan ang biglaang dalaw mo?" Umupo na ulit siya.
"Sahod ko ngayon. Inom tayo." Tamad na wika nito.
"Bago 'yan ah. May problema ka ba?"
"Wala. Kailangan ba may problema pag iinom?" Pinanliitan niya ito ng mga mata. Ganun pa rin naman ang itsura ni Vanna. Presko ang awra at ang mga mata ay literal na nagsasabing 'I don't give a damn to the world'. Wala siyang makitang kakaiba sa natural na itsura nito. Hindi ito gaya nung nakaraan na okupado.
"Si Lexi?"
"Ayaw sumama." Eksaheradang namilog ang mga mata niya.
"Huweeh??" Aliw itong tumawa sa kan'ya. "Gaga, totoo nga?"
"Oo. Nagulat nga ako na tumanggi e."
"Baka may problema? Hindi pa 'yun tumatanggi sa night outs ah."
BINABASA MO ANG
Chase Me
General FictionAll things happened so unexpectedly. She met him, got to know him and slept with him. She thought she finally found the man she would lend her heart and spread her legs. But a twist was bound to happen. She discovered everything she saw and felt wa...