Ilang araw ang lumipas at ganoon pa rin ang set up nila ni Nicolo. Trabaho sa umaga, kayod rin sa gabi- actually, madalas na kumakayod din si Nicolo sa umaga. Lagi itong humihirit sa gawa gawa nitong rules na hindi niya daw napapanindigan. At siya naman itong marupokpok na bumibigay rin sa mga pang- aakit at paanyaya ng lalaki.Sa ilang araw na 'yun ay lagi ring sumasagi sa utak niya ang mga tanong na ano at bakit patungkol sa kanilang dalawa. Maraming beses pa nga siyang nabibilaukan at nauubo kapag kasama niya si Nicolo sabay sabing ehem! Label.
Pero 'di niya alam kung manhid ba ang lalaki o sadyang tanga lang. Ni hindi man lang nagtanong kung para saan ang mga paubo ubo niya. Halos malunok na niya ang sariling lalamunan sa pag- iinarte pero deadma pa rin ito. Pero kapag tungkol sa kabastusan napakaaktibo.
Mas umigting ang pagtataka niya sa kung anong klaseng relasyon ang meron sila ngayon dahil tila dumoble ang sweetness na pinapakita sa kan'ya ni Nicolo. Sino ba namang hindi mapapatanong kung bigla bigla na lang siyang nanakawan ng halik? Kung may paghatid sundo? Lalo na kapag nagpapakita ito ng concern?
At anong ibig sabihin ng tanong nito nung nakaraan? Alam niyang I love you ang ibig sabihin ng 'the moon is beautiful isn't it?' pero ano 'yung sinabi ng lalaki? Was he just merely asking about the sunset or he meant something beyond that?
Kingina, ewan.
Nakakalito dahil wala itong eksaktong paliwanag o depinisyon sa kung anong namamagitan sa kanila. Halos matunaw na lang ang buong skeleton system niya sa oras oras na pagtitig nito sa kan'ya sa kalagitnaan ng trabaho. Dagdag pa na mas humaba na ang buhok nito kaya mas todo kilig ang mga bulbul niya sa kipay. Punyeta, lugmok na lugmok na siya sa kagwapuhan ng lalaki.
Lalo na ngayon na inaasikaso siya ni Nicolo pati sa pagkain.
"Here, eat this. Masarap 'yan." Inabot ng lalaki ang hinanda nitong pagkain para sa kan'ya. Pinigilan niya ang pagsupil ng ngiti sa labi nang makita sa plato ang dalawang sunny side up egg na pinapagitnaan ng isang malaking hotdog. Pinapalibutan iyon ng madaming kanin.
Hay nako, Nicolo. Sana naglagay ka din ng label dito.
"Sige na kainin mo na. Ako nagluto niyan." Proud na wika nito na akala mo sobrang hirap magluto ng hotdog at itlog. Pero in fairness, presentable tignan ang pagkain kahit pa bastos ang arrangement nun. Natouch naman siya (ng very very very light) sa effort nito.
Tumikhim siya. "Ehem, label."
Pero hindi man lang nagbago ang reaksyon ni Nicolo. He was still looking at her, waiting for her to take a bite. Lihim na lang siyang napa ingos bago sinimulang kainin ang hotdog ni Nicolo.
"Masarap ba 'yung hotdog ko?" Tinaasan niya ito ng kilay. "Yang hotdog na kinakain mo, mine."
"Hmm." Tumango siya habang ngumunguya.
"I knew it. Masarap talaga ang hotdog ko." Nagmamalaking sambit nito na binalewala na lang niya. Sanay na siya sa bunganga nito.
"Kumain kana lang d'yan." Aniya at pinagtuunan ng pansin ang pagkain. Masaya naman itong sumunod at kumain kasabay niya.
Sa mga nakaraang araw ay marami siyang napapansin sa lalaki. Mababaw lang ang kaligayahan nito, bastos ang bunganga at malikot ang mga kamay pero hindi sa puntong nababastos siya (keshe geshte den nye), maasikaso rin ito at super talas ng mga mata dahil wala talaga siyang takas. Sobrang taas ng libido nito at halimaw sa kama. Hindi lang ito CEO dahil expert na akyat bahay din ang lalaki. Gabi gabi na kasi itong nasa kwarto niya at sa bintana niya pa dumadaan. Swerte na lang nila dahil hindi pa sila nahuhuli ng Tiyahin niya. Ang pinsan naman niyang si Mia ay minsan na lang umuwi ng bahay simula nang mabigay niya ang perang hinihingi nito na hindi niya alam kung saan gagamitin ng babae.
BINABASA MO ANG
Chase Me
General FictionAll things happened so unexpectedly. She met him, got to know him and slept with him. She thought she finally found the man she would lend her heart and spread her legs. But a twist was bound to happen. She discovered everything she saw and felt wa...