THEY'RE IN A RELATIONSHIP.
Sa hinaba haba ng prosesyon, nagkaroon din sila ng matinong label ni Nicolo. Hindi na fuck buddy, text/call mate, hindi na sexretary, o co- parents. Boyfriend niya na talaga ito!
Ang shala! Nauna na ang anak bago sila magligawan at magkalabel. But it's never too late ika nga. At least in the end, they tried to make and do things right. They both strived to be the better version of themselves. They learned to love themselves first, got better and accepted the past as part of who they are today.
"Congrats. Sa wakas nagkaroon din kayo ng matinong relasyon. Edi lunod na naman lagi sa dilig ang kipay mo." Wika ni Mia na kasalukuyang ka- video call niya ngayon. It's almost half a year since bumukod si Mia sa kanila at nagpasyang maging independent woman. She's living alone now in a studio apartment.
Natigilan siya sa sinabi ng babae. Imbis maeskandalo ay napasimangot siya. Dalawang linggo na rin simula nung nilagyan nila ni Nicolo ng label ang kanilang relasyon. Everyone was delighted to know they're finally and officially together. Their family and friends congratulated them. Pero sa dalawang linggo na yun ay tila naging reserved masyado si Nicolo.
Hindi ito tumigil sa mga usual nitong ginagawa. He still give her letters and gifts, cooks her food and taking good care of her and Azi. But she noticed he was kind of avoiding her. Hindi siya nito hinahawakan!
Parang takot na takot itong magkadikit ang mga balat nila. Nasa tabi nga niya ang lalaki pero tila may invisible na pader ang namamagitan sa kanila. Daig pa nila ang Aldub at may pa meters away sa isa't isa!
"Oh ba't ngumunguso ka dyan?" Tinaasan siya ng kilay ni Mia.
In fairness, parang naging blooming si insan. Kuminis ang mukha nito at nawala ang pagiging oily. Iyon ba talaga ang mukha nito o naka filter lang?
"Yun na nga, insan e. Napunta yata kami sa sinaunang panahon at hindi niya ako hinahawakan!"
Napapalatak ito. "Ay pucha! Ano yun? Kung kailan may anak na kayo doon pa kayo nagkahiyaan?! Pavirgin?!"
"Hindi ako nahihiya! Siya lang!" Giit niya. Pero syempre wala siyang ginagawa dahil ayaw naman niyang pilitin ang sarili kay Nicolo. Kung ayaw nitong diligan siya edi wag! Hmp!
"Baka naman masyado ka lang nirerespeto?" Biglang hinahon ni Mia at naging abala sa paglalagay ng face mask.
Wow, may skin care routine ang bruha!
"Yeah. He respects me a lot that he won't touch me." Pagsang- ayon niya at nangalumbaba. Ni hindi na nga rin ito nagbibiro ng kapilyuhan sa kan'ya.
"And the more he respects you the more you want him to disrespect you, ganern?!"
"TumPak ganern!" Napapitik siya at muling sumang- ayon dito.
"Malandi ka!"
"Same to you!" Balik niya sa pinsan.
"Tigang!"
"Mas tigang ka!"
"Di mo sure!"
Bumuka ang bibig niya para rumebat ngunit natigilan nang marealize ang isinagot nito. "Tangina ka, insan! May dumidilig na sa flower mo?! Bakit wala ka yatang nakekwento?"
Kaya ba blooming ang ante mo?!
"Huh?! Ano yun?! Sorry choppy ka bye!" Bigla nitong pinatay ang tawag.
Naiwan siyang napanganga at gulat na nakatingin sa monitor ng kan'yang laptop. Talagang pinatayan siya ng call ni Mia! Nanggalaiti siya at gigil na nag- chat dito.
BINABASA MO ANG
Chase Me
General FictionAll things happened so unexpectedly. She met him, got to know him and slept with him. She thought she finally found the man she would lend her heart and spread her legs. But a twist was bound to happen. She discovered everything she saw and felt wa...