Chapter 47

9.6K 299 117
                                    

Dumako ang mga mata ni Avria sa kamay ni Nicolo na mahigpit ang hawak sa kan'yang braso. Napatulala siya roon at di maiwasang mamahanga sa detalye nito. Malaki 'yon, mahaba at maugat.

Sumagi tuloy sa isip niya ang maugat na jumbo hot—

"My daughter is not coming with you, young man." Ilang beses siyang kumurap at muling bumalik ang diwa sa kanilang sitwasyon.

Nakapasok na ang Papá sa kan'yang kwarto at sa likuran nito ay nakaantabay ang mga tauhan at guard. Bigla siyang nawarla at naguluhan.

What did just happened again?

"Let's go, Avria." Si Nicolo na hindi natinag ang tingin sa kan'ya. He didn't let go of her arm and was just looking straight at her soul, naroon pa rin ang nagbabagang galit sa mga mata ng lalaki. No need to ask why though. She and her stupid plans are the main reason. Probably natuklasan na nito ang mga ginawa nila- niya.

He looked like he's about to explode but just restraining himself to burst out. Hindi niya alam kung dapat niya bang ipagpasalamat na nakakapagtimpi pa ito sa ganung sitwasyon.

"Lumapit ka rito, Georgina." Nalipat ang tingin niya sa kan'yang Papá na ayaw din magpatalo. Mariin at maawtoridad itong nakatingin sa kanila.

"She will go with me." Nicolo clenched his jaw darkly while still looking at her. She avoided his gaze. Natatakot siyang salubungin ito ng tingin. Maliban sa may kasalanan siya rito ay para siyang matutunaw sa mga titig nito sa kan'ya.

Bukod pa dun ay nakakaramdam siya ng kakaiba. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Kahit kasi galit ito ay lintik sa hotness ang hudas. Lalo na't messy hair ang peg ng nakalugay at may kahabaan na nitong buhok. He's looking dangerous and dashing at the same time. Mas mukha pang masarap sa mga hotdog na niluluto ni Lexi.

Parang gusto niya tuloy lamutakin.

Haysss, sino ba kasing nagsabing pumunta siya dito ng naka black business suit?! Saka bakit nakabukas ang tatlong butones nito sa itaas?! Nakikita tuloy ang matipuno at malapad nitong dibdib.

Ang gwapo shuta.

"Georgina will stay here." Pinal na saad ng Don.

Nicolo's breathing became rugged. Bago pa tuluyang humigpit ang hawak nito ay binitawan siya ng lalaki at matigas ang ekspresyong humarap sa kan'yang ama.

"I let you have her here with you. Pinagbigyan kita. Pinabayaan ko siya sa'yo.. and you see what happened?" His jaw jerked intently. "Muntik nang mapahamak ang mag- ina ko."

Biglang natigilan si Avria at natulala kay Nicolo. He was mad. Real mad. Kalmado man at mahinahon ang pagsasalita nito ay malinaw na makikita sa mga mata ng lalaki ang matinding galit.

"The blame is not on me, neither on my daughter. She did what she thought was right to have a complete family for her child." Seryoso ngunit mahinahong sagot ng Papá.

Nicolo spatted. "She didn't have to do that!"

"Kung ganun, bakit niya kinailangang gawin?" Balik na tanong ni Don Antonio. Nicolo got taken aback. She saw him balled his fists.

"Papá..." Papagitna sana siya sa dalawa ngunit tinulak siya paatras ni Mia na marahas na bumangon. Ito ang pumunta sa gitna at humarap kay Nicolo habang sapo sapo ang noo.

"Kung hindi ka bobo malamang alam mo ang dahilan. Pero kung bobo ka sige sasabihin ko na. Ikaw ang dahilan! Kasi mas pinipili mo ang iba kaysa sa tinatawag mong mag- ina mo! Malinaw na ba ha?!" Bulyaw nito habang tinatakpan ang namumulang noo.

Chase MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon