Chapter 35

9.5K 350 84
                                    

Hindi maalis sa isip ni Azrael ang gabing 'yon, the way she talks and yell at those scumbags.. how she fought to save him.. the effect of that midnight kiss.

Parang sirang plaka na paulit ulit na nananariwa sa kan'ya ang halik na 'yon. Hindi siya nakapagsalita, all he did was to stare at her beautiful face and be mesmerized. Mas may igaganda pa pala ang babae. She's more beautiful when she talks sharp and with those glaring eyes.

Sa sobrang ganda, hindi niya napigilang angkinin ang labi nito. And he felt more drown to her after that kiss. Para siyang mawawalan ng bait. Nakakabaliw ang labi ng babae. Nakakaadik at hinahanap hanap niya.

But he gathered all his strength to cut that moment. He had to cut the kiss to save himself from taking her. Isa itong patibong na sa oras na mahuli siya ay wala na siyang magiging kawala.

"Banana que kayo d'yan! Mga suki!"

Yet here he is, still secretly following his temptress from afar.

Tatlong araw magmula nang mangyari ang gabing 'yon and unlike before, sinusundan niya pa rin ang dalaga pero hindi na para magpapansin. Hindi na pwedeng masundan pa ang halik na 'yon. He would go crazier, out of control. He should think about his job kaya nakontento na lang siya sa malalayong tingin.

It's her day off today at imbis magpahinga dahil sa sunod sunod na overtime sa trabaho ay nagtitinda pa rin ito. Ilang buwan niya na rin itong sinusundan magtinda tuwing day off nito. He can really say she got a wholesome courage.

He watched her as she talk and deal with everyone. Nakangiti ito sa lahat, maliwanag ang mukha na siyang mas nagpapaganda sa dapit hapon. Kada kanto at liko ay may bumibili sa babae, agaw pansin kasi ang gandang taglay nito, marunong din makipag- usap. Maraming lalaki ang napapatigil para titigan si Avria, and he was just stopping himself from punching each one of them for ogling at her.

He's irritated for some reason.

His phone suddenly rang. Kinuha niya ito at napabuntong hininga nang mabasa ang pangalan ni Dylan. Sinagot niya ang tawag habang matamang nakatitig kay Avria.

"How is she doin'?" Unang bungad ng kaibigan.

"Mind of exerting effort to say 'Hi or Hello', my friend?"

"Fuck you, my friend." He chuckled at his response. Patuloy siyang naglalakad pasunod sa dalaga, sapat na ang layo para hindi siya mapansin.

"She's fine, as always." Aniya.

"What's she doing now?" Inalala niya ang binabantayan na ngayo'y pinababantayan niya rin sa ilang tauhan.

"She's sleeping at the moment." Bago siya sumunod kay Avria ay tulog pa si Hamia. Puyat na puyat.

"Hindi siya pumasok? May sakit ba siya?" Nahimigan niya ang pag- aalala sa boses ng lalaki. Umusli ang labi niya. Hindi dahil sa kausap kundi dahil kay Avria na masayang nakikipagtawanan sa matandang bumili dito.

"Inatake siya.."

Muli siyang naglakad nang muling lumibot ang dalaga.

"What!?! Inatake si Hamia!? Ng ano?!" Bahagya siyang napangiwi sa lakas ng boses ni Dylan. Until now nasusupresa pa rin siya sa mga kakaibang kilos nito pag patungkol na kay Hamia ang usapan. He knew him as a composed and solemn man but now, daig pa nito ang tatay kung mag- alala.

What more pa kaya kapag nalaman nitong iba talaga ang binabantayan niya? Baka ipa- refund pa nito ang 20 million.

"Inatake siya ng katamaran." Dugtong niya para makalma ito. "She got wasted and went home late last night from a nightclub."

Chase MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon