Chapter 6

13.2K 371 19
                                    

"Love is a choice.
It's just that,
it's your subconscious
that decides."
~~~

Hindi na niya namalayan ang mabilis na pagtakbo ng oras. Simula nang makapasok siya sa trabaho ay wala siyang ibang ginawa kundi tumulala sa table niya. Kahit anong gawin niya para makapagfocus ay pilit na ino- ukopa ang isip niya ng lalaki. Ang kabuuan ng utak at diwa niya ay umiikot sa apat na salita na itinatak nito sa kan'yang utak.

Sa hotdog ni Nicolo.

Pakiramdam niya tinakasan siya ng bait at lakas dahil sa sinabi nito. Tila may nabuhay na kung ano sa loob niya. At ang hindi niya maintindihan ay imbis na mabastos siya sa mga pinagsasabi ni Nicolo ay parang mas sumidhi pa ang atraksiyon niya para sa lalaki.

And that is not good.

Kahit kaibigan niya si Lexi na version 2.0 ni Lexi Lore ay hindi naman siya katulad ng babae. She isn't the type of woman who would settle for 'no string attached' kind of relationship. Makamundo siya pero mayroon siyang limitasyon. Old school man pakinggan ngunit ang plano niya, if ever there is someone destined to be with her for a lifetime, gusto niya ito ang makakuha sa pagkabirhen niya. She still believed that the best gift a woman can give to her husband is her virginity.

At ipupusta niya ang buong Earth na hindi si Nicolo ang tipo ng lalaking magtatagal sa kan'ya. She's beyond aware what he's after for. Katawan lang niya ang habol ng lalaki. He just want her on his bed, naked and submissive. In short, gusto lang nitong gawin siyang FuBu!

Kahit ilang araw niya pa lang nakakasama ang lalaki ay batid na niya kung gaano kalakas ang karisma nito. Mapride man siyang babae ngunit sa lakas mangrebat ng mga kalandian ni Nicolo, siguradong dadating ang oras na rurupok siya at bibigay rito. And she can't let that happen! No way in hell kahit pa sa heaven siya nito balak dalhin! Yes, he's her ideal man. A big guy with a bad boy looking face and attitude. Plus the fact na nuknukan sa kagwapuhan ang binata. Magaling itong maglaro ng salita na 100% sure na madadarang ka at experto rin ito sa pagpapaligaya ng babae.

Tapos long haired pa, tangina.

Hindi mabura- bura sa utak niya ang imahe ng mukha nito. Pilitin man niyang ibaling sa iba ang atensyon, sa huli ay magsusumiksik pa rin sa malanding utak niya ang gwapong mukha ng lalaki.

"Ms. Flores."

Tulad ngayon, parang nakikita niya sa kan'yang harapan si Nicolo. Ilang ulit siyang pumikit pero hindi ito naalis sa paningin niya. Ganun na ba siya ka- attracted dito kaya kahit sa trabaho ay mukha nito ang nakikita niya?

"Is there something wrong, Ms. Flores?"

Napakunot ang noo niya sa tinawag sa kan'ya ng lalaki. Tinignan niya ito ng mabuti at parang bigla siyang tinamaan ng kidlat nang makilala ang lalaking nasa kan'yang harapan.

Ay giatay! Boss niya pala ang nakatayo sa harap ng table niya!

"Mr. Salazar!" Aligaga siyang napatayo at agad na yumukod dito. Pero agad din siyang napatayo ng tuwid nang marealize niyang hindi pala koreano ang boss niya.

"I'm asking about my schedule." Seryoso at kalmadong turan nito. Taranta naman niyang hinanap ang listahan ng schedules nito sa kan'yang table.

"Chill, Avria. Di naman kami nagmamadali ni Dad." Napabaling siya ng tingin kay Hanzo na hindi niya napansing kasama pala ng kan'yang boss. Nginitian siya nito na sinagot niya lang ng tipid na ngiti.

"Uhm.. You just have one meeting with Mr. Chan at 5pm in Xiao Lim Restaurant, Sir." She composed herself back and said it formally. Tumango naman ito sa kan'ya at bumaling sa anak.

Chase MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon