Warning: SPG
"Avria!" Napakislot siya sa gulat nang pumasok galing sa likod ng bahay ang kan'yang Tiyahin at galit na galit na lumapit sa kan'ya.
"Po 'Ta?" Tanong niya at tumigil sa pagwawalis sa kanilang sala para harapin ito.
"Wag mo 'kong minumura babaita ka!" Singhal nito sa kan'ya at biglang kinurot ang kan'yang singit.
"Aray! Hindi kita minura Tita. Sabi ko, 'ano po 'yun Tita'." Pagtatama niya habang iniiwasan ang pangungurot nito. "Ito si Tita, parang hindi ako kilala. Alam mo namang magalang akong bata."
Hinablot nito ang walis mula sa kan'ya at hinambalos sa direksyon niya. Buti na lang magaling siyang umiwas kaya hindi siya natamaan nito. Walang awa pa man din mamalo ang Tiyahin niya.
"Tita, umagang umaga stress kana naman. Anyare po ba?" Aligagang tanong niya habang iniiwasan ang walis na pinapalo nito.
"Punyeta kang bata ka! Bakit namatay yung isang halaman ko ha?!" Nanggagalaiting tanong nito. Nanlaki naman ang mga mata niya. Muling bumalik sa kan'ya ang pagdidilig niya nitong nakaraan sa mga pinakamamahal na halaman ng Tiyahin. Punyemas, naalala niyang hindi pala niya naayos ang pagdidilig nitong mga nakaraang araw dahil siya itong naging sagana sa dilig.
Nalagutan na nga.
"T-Tita, let me explain." Kabadong saad niya pero bigla siyang napayuko nang lumipad sa direksyon niya ang kanilang walis tambo. Muntik nang matamaan ang mukha niya!
"Tita wag 'yung mukha ko! Puhunan natin 'to!" Takot na sabi niya pero naloka siya nang sunod na lumipad naman papunta sa kan'ya ang dust pan. Muli siyang yumuko at umiwas.
"Letche ka! Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na mapapatay kita kapag may napatay ka sa mga halaman ko ha!?" Akma siyang hahablutin nito pero mabilis siyang nakatakbo palayo sa Tiyahin. Nagpaikot ikot sila sa mga upuan sa sala.
Dito talaga siya natrained maging maliksi at maging matapang kahit nasa peligro. Dahil sa Tiya Agnes niya ay sanay na sanay na siyang umilag at tumakbo kapag nalalagay sa alanganing sitwasyon. Bata pa lang ay lagi na siyang hinahabol ng tsinelas, hanger, sinturon at lahat na ng gamit sa bahay sa tuwing nakakagawa siya ng kapalpakan.
"Sorry na, Tita! Bibigyan ko na lang po siya ng maayos na libing. Gagawan ko pa ng altar kong gusto niyo."
"At talagang namimilosopo ka pa?! Halika nga dito nang masilaban ko 'yang dila mo!" Gigil na sigaw nito at umikot sa sala para habulin siya. Umikot naman siya papunta sa kabila.
"Ano ba 'yan, Ma. Kakasikat pa lang ng araw nangraratrat ka na naman d'yan." Reklamo ni Mia na kakagising lang at kasalukuyang bumababa sa hagdan. Himala at hindi ito tinanghali ng gising.
"Tumahimik ka! Isa ka pang kung saan saan lumalakwatsa! Ilang araw na kitang hindi makausap ah!" Baling nito sa anak. Hinihingal naman na napahawak siya sa tuhod. Shuta, pagod pa nga ang mga hita niya sa kakakayod kagabi tapos makikipaghabulan pa ang Tiyahin niya sa kan'ya.
"Busy ako, Ma." Tamad na sagot ng dalaga.
"Busy saan? Sa lakwatsa? Kailan mo ba balak ayusin 'yang buhay mo?" Puno ng komsumisyong saad ni Tiya Agnes.
"Ma, nabuntis 'yung dese sais na anak ni Ate Norma. 'Yung laging top 1 sa school." Malayong sabi ni Mia. Tuluyan na itong nakababa at nakalapit sa ina.
"Talaga?" Napakunot ang noo niya dahil biglang kumalma ang kan'yang Tiyahin at naging interesado sa sinabi ng anak. Napailing siya rito. Basta talaga chismis hindi papahuli. Daig pa nito ang news reporter sa sobrang updated sa mga ganap sa buhay ng mga kabaranggay nila.
BINABASA MO ANG
Chase Me
Ficción GeneralAll things happened so unexpectedly. She met him, got to know him and slept with him. She thought she finally found the man she would lend her heart and spread her legs. But a twist was bound to happen. She discovered everything she saw and felt wa...