Chapter 33

8.5K 354 99
                                    

Sa lahat ba naman ng pagkakataon ngayon niya pa nakasama si Lexi. At kung kailan nasa alanganin sila, ngayong araw din sinumpong ng katangahan ang babae. Now, they're running on their own, separate ways.

Hingal na hingal na si Avria sa pagtakbo ngunit hindi siya tumigil. Nakailang kaliwa't kanan na siya sa makipot na iskinitang 'yon which seemed like an endless maze. Nakalayo na siya sa mga humahabol sa kan'ya pero hindi siya nagpakampante. Napapalibutan ng mga ito ang buong isla kaya malaki ang chance na muli niyang makasalubong ang mga ito.

Pasalamat na lang siya at walang mga bala ng baril ang humabol sa kan'ya. Hindi niya tuloy magets kung para saan ang mga baril na dala ng mga ito. Makapanakot lang? Ulol, kahit sa bala hindi siya magpapahuli. Lelang lang ni Nicolo na babalik siya sa poder nito.

"Avria-" Biglang may sumulpot na lalaki sa daan niya. Out of instinct, agad na gumana ang kamao niya at sinapak ito sa mukha.

"The heck?!" Sapo nito ang mukha nang humarap sa kan'ya. "I didn't know Nicolo liked to hook up with sadistic girls. Ang lakas mo manapak."

Napakunot ang noo niya nang marinig ang pamilyar na boses ng lalaki. Hindi niya ito makilala dahil naka all black outfit ito, may mask at cap din na suot.

"Sino ka naman?" Naiiritang tanong niya. Pagod na pagod na siya at kung isa lang ito sa humahabol sa kan'ya, aba tangina makakapatay na yata siya. Nagugutom na ang tiyan niya at kailangan na niya ng kanin at hotdog!

"It's me." Ibinaba nito ang suot na mask. Nanlaki ang mga mata niya nang tuluyan niyang makilala ito. It was Calderon.

"A-Anong ginaga
wa mo dito?!" Napaatras siya. Malamang nandito ito para tulungan si Nicolo hanapin siya. Buong liga yata ang tinawag ni Nicolo para habulin siya, kingina.

"I'm here to help you escape." Mabilis na nagsalubong ang kilay niya sa pagtataka. "There's a speed boat waiting for us in the south part of the island. We have to get in there ASAP bago pa nila 'yon makita."

"At bakit mo naman ako tutulungan? Kung balak mong utuin ako para sumama ako sa'yo at masurrender mo 'ko sa hudas mong kaibigan, then think again. Dahil baka pag- untugin ko lang kayong dalawa." Bahagya itong napangiwi sa tinuran niya.

"I'll explain everything once we already left this place. We don't have much time here." Nagdalawang isip si Avria. Nadala na siya sa pagtitiwala at paniniwala niya sa lalaki. She can't trust him dahil malaki ang posibilidad na baliktarin siya nito. He's Nicolo's friend for God's sake! Malamang, manloloko din ang mga kabaro nito.

"Mine!" Natulos siya sa kinatatayuan nang marinig mula sa kan'yang likod ang napakapamilyar na boses. Nagharumintado ang puso niya, naghalo ang kaba, takot at sakit. Hearing that voice made her feel suddenly weak and powerless.

"Fuck." Muling sinuot ni Calderon ang mask at seryosong tumingin sa kan'ya. "We have to go now."

Naguguluhan siya sa kung anong dapat gawin. Panic attacked her system the moment she heard that baritone voice. Batid niyang papalapit na sa kanila ang lalaki at sa kaalamang ilang metro lang ang layo nito sa kan'ya ay nagwawala ang dibdib niya.

"Hontiveros.."

Parehong naagaw ng isang boses ang atensyon nila. Napaawang ang labi niya sa gulat. Behind Calderon is Vanna, parang action star sa pelikula na naglalakad bitbit ang dalawang baril nito sa mga kamay. Kaswal siya nitong tinanguan bago bumaling sa katabi niyang lalaki.

"Dalhin mo na siya. Ako nang bahala dito." Bigla siyang nataranta sa sinabi nito sa lalaki.

"Anong ikaw na ang bahala?! Ano bang nangyayari ha? Bakit nandito ka? Bakit nandito din siya? At teka nga- magkakilala kayo?!" Nagpalipat- lipat ang mga mata niya sa dalawa. Para na yatang sasabog ang utak niya sa mga kaganapan ngayon sa kan'yang buhay. Nagmahal lang naman siya pero bakit naging mas masahol pa siya sa kriminal ngayon kung habol habulin? From drama to action ang tema. Hindi niya tuloy malaman kung sadyang maganda lang siya o saksakan ng malas.

Chase MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon