Ang bilis ng mga pangyayari. One moment she met Nicolo again in the same place they first encounter each other and now, nagtatrabaho na ito sa kanila. Kasabay ng first day of work niya bilang bagong tagapamahala ng Hacienda ay ang pagpasok ni Nicolo.
And funny thing is, ini- assign lang naman ito ni Papá bilang secretary niya.
Literal na table has turned nga! Kaloka!
"Sigurado ka ba sa pinaggagawa mo?" Tanong niya sa lalaki.
Narito sila ngayon sa loob ng bago niyang office sa Hacienda. Magkaharap sila habang nakatayo ang lalaki sa harap ng kan'yang office table.
At wag ka, good vibes ang awra nito ngayon. Motivated sa first day.
"Oo naman. Pabor pa nga sa'kin. This seems familiar, isn't it? Just a little bit different." Sumipol ang pilyong ngiti nito sa labi. That smile reminded her of the old Nicolo.
Umikot ang mga mata niya. She tried to disagree with her Papá sa desisyon nito kay Nicolo dahil ayaw niya ng distractions sa trabaho pero hindi na nagbago ang desisyon nito. He really assigned Nicolo to be her secretary. In her very first day!
"Liligawan mo ako tapos secretary kita? Nasaan ang professionalism dun?" Tinaasan niya ito ng kilay.
"Na sayo." Preskong sagot ni Nicolo.
Lalong tumaas ang kilay niya. "Nasakin?"
"Uum," tumango ito, "yung puso ko."
Ay letche plan. Parang saglit na nagulo ang nervous system niya at nagkaroon ng error. Napatigalgal siya sa lalaki na malaki ang ngiti sa kan'ya.
Ang fresh pa nito sa suot na black tshirt at rugged pants. Maayos na nakagel ang buhok at humahalimuyak sa buong silid ang panglalaking pabango. Mukha itong kakalaya lang sa bilibid at dedicated sa bagong buhay.
Yung totoo, mas mukha pa itong modelo kaysa secretary.
Nang mahimasmasan siya ay kinuha niya ang kan'yang bag at kinalkal ito. Pagkaruway inilahad niya ang kamay sa lalaki, waring may inaabot.
"What's that?"
"Yung puso mo. Binabalik ko na." Aniya. It's her turn now to smirk triumphantly. Mas palaban na yata siya ngayon.
Hindi naman natinag si Nicolo at mas ngumisi pa nga sa kan'ya. "Hindi naman nakalagay dyan yung puso ko."
Huh? "E' saan? Nasa puso ko rin ganon?"
"Hindi rin. Nasa kipay mo---hey!" Ibinato niya sa lalaki ang nahawakang folder. Naeeskandalo siyang tumingin rito.
"Bastos!" Namula yata ang buong mukha niya. Buti na lang at solo niya ang kan'yang opisina. Walang makakasaksi sa kawalanghiyaan ni Nicolo.
Partida, first day nila pareho sa trabaho pero kung anong kabalastugan na ang pinag- uusapan nila.
Dapat umaakto na siyang mature at professional ngayon dahil first day niya sa pamamahala ng hacienda pero heto at nasira agad ni Nicolo ang posture niya. He is back being the annoying man that he is before. Nakakapanibago at nakakapikon.
"Ang bastos nakahubad. Maghubad na ba ako?" He was smiling from ear to ear, talagang nang-aasar.
Mariing naglapat ang labi niya at kinalma ang sarili. Kuhang kuha talaga nito ang inis niya. Pero hindi dapat siya magpatalo o magpadala dito. Pamilyar ang sitwasyon nila ngayon pero dahil bilog ang mundo, umikot na ito at siya na ngayon ang boss. She's at the advantage and in control.
She regained her posture and cleared her throat. Seryoso at pormal na sinalubong niya ang mga mata nitong kumikislap sa kapilyuhan.
"I just want to remind you that you are talking with your boss." She was formal and strict all of a sudden.
BINABASA MO ANG
Chase Me
General FictionAll things happened so unexpectedly. She met him, got to know him and slept with him. She thought she finally found the man she would lend her heart and spread her legs. But a twist was bound to happen. She discovered everything she saw and felt wa...