Napamulat si Avria nang makaramdam ng kakaiba. Yung pakiramdam na may nakamasid sa kan'ya habang natutulog siya.
"Buti naman at nagising kana."
"Tangina istorbo naman natutulog pa nga 'yung tao ampot— ay jusko Tita?!" Napabalikwas siya nang bangon pagkakita sa Tiyahin niya, nakatayo sa dulo ng kama at nakataas ang isang kilay habang nakapamewang sa kan'yang harapan.
Taranta niyang nilibot ang tingin sa paligid. Nasa kwarto niya pa rin naman siya sa mansyon, maliwanag na malinawag na sa labas at wala na rin si Lexi na siyang katabi niya lagi matulog.
"Naging haciendera ka lang naging batugan ka na. Aba't tanghali na nakahilata ka pa rin diyan. Mahiya ka nga, baka sabihin ng Tatay mo ganyan kita pinalaki." Sermon nito at sosyal na isinasiwas ang malaking pink na pamaypay at maarteng pinaypayan ang sarili.
Hindi naman siya nakapagsalita. Gulat na gulat siya, hindi lang dahil nandito ito kundi sa pangmalakasang pink dress na suot ng Tiyahin. Nakakulot din ang buhok at pink na pink ang lipstick. Ang shala!
Nawala ang daster feat rollers nito, lumevel up ang awra. Hindi na chismosa ng baranggay, pang chismosang sosyal na!
"T-Tita anong ginagawa mo dito?" Gulantang na tanong niya.
"Ano bang klaseng tanong yan Avria? Pinasundo mo kami sa Tatay mo hindi ba? Wag mo sabihing hindi totoo?" Pagtataray nito habang feel na feel ang pagpapaypay kahit may aircon naman sa kwarto niya.
"O-Oo nga po pala. Sorry Tita, nagulat lang ako."
Ilang linggo na rin simula nang umalis siya bigla sa bahay ng Tiyahin. Hindi niya maiwasang mag- alala at mamiss ang dalawa lalo na't hindi siya nakapagpaalam ng maayos. Hindi rin kasi sila sumasagot sa mga tawag at text niya matapos niyang magpaalam sa Tiyahin sa tawag noon.
"O baka napipilitan ka lang? Iyan nga't nakahilata ka pa rin kahit dumating na kami. Tatay mo pa ang sumundo at nagwelcome samin dito." Taas kilay na untag nito.
Lihim siyang napangiwi. Tatlong araw na ang lumipas since maging makupad siya bumangon. Wala nga siyang masyadong morning sickness pero naging grumpy naman siya. Dumadalas na din ang pagbabago sa mood niya, lalo na kung hindi nagluluto ng hotdog si Lexi.
"Hindi naman sa ganun, Tita.." she doesn't know how to explain. Siguradong hindi pa alam ng Tiyahin na buntis siya. Umagang umaga makukurot siya ng pagkadiin diin sa singit pag nalaman nito. Hindi niya rin alam kung paano ipapaliwanag dito ang nangyari sa kan'ya at kung sino ang yumari sa kan'yang bataan.
Akmang magsusungit ulit ang Tiyahin nang may kumatok sa pinto bago bumukas iyon at sumilip sa kanila ang ama.
"Oh gising ka na pala. Good morning, princess." Magaan ang ngiti ng ama na agad niya ring sinuklian ng ngiti.
"Ay oo nga, Antonio. Pagpasensyahan mo na 'tong anak natin at tanghali na nagising. Hindi naman siya ganito gumigising. Noong nakatira pa ito sa'kin ay hindi pa man sumisikat ang araw ay gising na itong si Avria."
Bahagya siyang napanganga sa gulat dahil SOBRANG BAIT bigla ng tono ni Tita. As in sobra! Nawala sa isang iglap ang lahat ng kasungitan nito sa katawan. Inayos ayos pa nito ang suot na dress at iniipit ang buhok sa likod ng tainga.
Gusto niyang humagalpak ng tawa. Ang lakas makapabebe girl ni Tita, lawlaw naman na dede. Ngayon niya lang ito nakitang magpacute sa lalaki.
"Hayaan mo na, Agnes. Ganyan nga raw pag nagbubuntis, takaw sa tulog." Nakangiting saad ni Papá.
Wala pang isang segundo ay naglaho ang matamis na ngiti ni Tita at kunot noong bumaling sa kan'ya.
"Buntis ka?!"
BINABASA MO ANG
Chase Me
General FictionAll things happened so unexpectedly. She met him, got to know him and slept with him. She thought she finally found the man she would lend her heart and spread her legs. But a twist was bound to happen. She discovered everything she saw and felt wa...