Chapter 33

222 13 8
                                    

Kate's POV

Nakarating kami ni Lance sa loob ng beach house. Ibinaba niya ako at mariing sinuri ang kabuuan ko.
Dama ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa hiya. Alam ko naman na hindi kagandahan ang katawan ko kung ikukumpara sa mga kasama ko. At nakakahiya dahil ito ang unang beses na magsusuot ako ng two piece at makikita pa ni Lance.

"Don't look at me like that." Sabi niya habang nakatitig pa rin sa akin.

"Ha? Bakit? Anong meron sa tingin ko?" Nakakapagtaka. Siya kaya ang grabe kung tumingin sa akin ngayon.

"You're seducing me with that look. I know you're sexy. But don't show it to everybody. And please stop blushing in front of other guys."

Napalunok ako sa sinabi niya. Anong seduce? Wala naman akong ginagawa.

Humakbang siya palapit sa akin. Bigla akong kinabahan ng dahan dahan niya akong nilalapitan. Wala akong nagawa kundi ang umatras hanggang sa maisandal ko ang sarili ko sa pader. Saka lang siya tumigil sa paglalakad at isinandal ang kanang braso niya sa pader habang mas inilalapit niya ang mukha niya sa mukha ko.
Hindi na tuloy ako makatingin sa kanya ng diretso ngayon. Sa mga titig pa lang niya ay nanghihina na ang mga tuhod ko.

"A-anong ginagawa mo?" Halos pigil ang hininga kong sabi sakanya.

Hindi siya nagsalita. Nakatitig lang siya sa akin na mas lalo kong kinabahala.
Galit ba siya? May ginawa ba akong masama? Pangit ba tong suot ko? Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko dahil sa pananahimik niya. Yung utak at puso ko kanina pa nabubulabog dahil sa presensya niya.

"Love?" Mahinang tawag ko sakanya.

Wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Bagkus ay itinaas niya ang baba ko gamit ang kaliwang kamay niya. Mas mataas saakin si Lance kaya naman sa ginawa niyang yon ay pumantay na ang mukha ko sa kanya.
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang akmang hahalikan niya na ako. Wala na akong nagawa pa kundi ang ipikit ang mga mata ko.

"What the hell was that Lance?"

Narinig ko ang malakas na sigaw ni Kath. Nagmulat ako ng mata at kitang kita ko ang galit na galit na mukha ni Kath. Papalapit siya ngayon sa pwesto namin.

"Are you even thinking properly? Nanakit ka ng taong walang ginagawang kasalanan." Sabi niya nang makalapit na siya sa amin. Lance didn't even bother looking at her. Nanatili lang siya sa pwesto niya habang kaharap ako.

"Hey! Are you deaf? You must pay me for the damages that you've done. Muntik ka ng kasuhan ng lalaking yon Lance!" Galit na si Kath. Nagtaas na siya ng boses kaya naman naalarma na ako. Magsasalita na sana ako ng biglang hinarap ni Lance si Kath.

"So what? Tell him to talk to my lawyer." Walang ganang sabi ni Lance.

"You're unbelievable! Ako na ang umayos ng lahat kanina. Mabuti na lang at nakuha ko sa maayos na usapan ang lahat kanina. Ano bang problema mo? Bakit ka nanununtok ng tao?"

"You. My problem is you. I know what you did. Ikaw lang naman ang may lakas ng loob na ipasuot to sa kanya." Turo ni Lance sa akin.

"Maganda naman ah. Bagay nga kay Kate e. Bakit parang galit ka pa na pinasuot ko yan kay Kate. She looks so good in that two piece."

"I know! Kaya nga ako nagagalit dahil don."

"You mean you're being jealous? Don sa lalaki kanina na tingin ng tingin kay Kate?"

Hindi agad nakasagot si Lance. Nagtatalo silang dalawa na para bang wala ako sa paligid nila. Hindi nga yata magkakasundo ang dalawang to. Pareho kasi silang hindi nagpapatalo at madalas ipinipilit ang mga bagay na gusto nila.

A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon